Hinaing sa pabahay ng gobyerno idinaan sa sayaw ng Kadamay

    629
    0
    SHARE
    PANDI, Bulacan —- Idinaan sa sayaw ng mga miyembro ng Kadamay ang pagpapakita ng kanilang hinaing tungkol sa mga pabahay ng gobyerno sa isang mala- Zumba dance protest o ang tinawag nilang “One Billion Rising” dance protest.

    Nasa 150 mga miyembro ng Kadamay na kababaihan sa relocation site sa Mapulang Lupa ang lumahok sa protesta.

    Suot ang mga kulay pulang damit at mga bandana, sabay sabay sa pag indak ang mga Kadamay members na animo’y nagsu-Zumba at ang kaibahan lamang ay ang tugtog na imbis na mga popular na kanta ay mga makabayang awitin na bumabatikos sa pamahalaan ang maririnig sa malakas na speakers.

    Ayon kay Bhea Arellano, national chairman ng Kadamay, may kinalaman ang ginawang okasyon ngayon sa nalalapit na pagdiriwang ng unang anibersaryo ng pag-okupa ng mga nakatiwangwang na pabahay sa Pandi at kasabay na rin aniya na nalalapit na International Working Women’s Day nitong Marso.

    Binatikos rin ni Arellano ang gobyerno at hinimok si Pangulong Duterte na maging seryoso sa usapin ng pabahay at ibigay na sa iba pa nilang miyembro ang mga madami pa daw na pabahay na nakatiwangwang at dapat ipamigay na lamang sa mga maralita.

    Lumahok din sa dance protest ang stage actress/activist na si Monique Wilson ng Gabriela at binatikos din ang gobyerno sa hindi umano nito pagtugon sa suliranin ng mga mahihirap na Pilipino.

    Nagpahayag din si Wilson ng kanyang suporta sa Kadamay at mga kaalyadong grupo na magkaisa at isulong ang pagkakaroon ng disenteng tahanan, labanan ang di-makatarungang pagtrato ng Duterte administration sa mga maralita.

    Bukod sa pagsayaw ay may mga placards din ang Kadamay bilang bahagi ng protesta. Dapat daw na ipagkaloob na sa kanila ng gobyerno ang mga papeles ng kanilang inokupang mga bahay.

    Patuloy daw nilang gagawin ang mga susunod pang kilos protesta hanggat hindi tinutugunan ng pamahalaang Duterte ang kanilang hinaing.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here