Hinaing laban sa mga pampublikong ospital

    386
    0
    SHARE

    Nitong Lunes habang kami’y nasa prescon
    Sa opisina ni ‘world class city mayor,’
    Oscar S. Rodriguez, d’yan sa may Heroes Hall,
    Ang aking anak na si Jeck ibinulong:

    Na ang isang ina-anak niya sa kasal
    Tumawag umano mula sa ospital
    Ng JBL, at siya ang kanyang hiningan
    Ng tulong para mailabas na niyan

    Ang maysakit nitong anak na ‘months old’ lang,
    Na diumano’y hindi yata natitingnan
    Nitong nakatokang ‘attending physician’
    Sa ‘pediatric ward’ ng naturang ospital

    Sa loob ng ilang araw na lumipas
    Kaya naisipan na nilang ilabas,
    At kung maari ay sa iba ilipat
    Upang mabigyan ng karampatang lunas

    Kaysa makita nilang ang kanilang supling
    Ay biglang manigas imbes na gumaling
    Diyan sa JBL na halos di pansin
    Ng ilang doctor ang kanilang hinaing.

    Kung kaya bunsod niyan nagesisyon silang
    Mailabas na sa naturang ospital
    Ang kanilang anak kaysa manganib lang
    Na mawala sanhi ng kapabayaan.

    Posibleng totoo itong madalas na
    Ating naririnig sa labi ng iba,
    Pagkat ito rin ang aking nakikita
    Sa malimit ko ring dito pagbisita.

    Isa sa malubhang dahilan kung bakit
    Imbes gumaling diyan ang ibang maysakit,
    Ay itong kung wala kang pambili kahit
    Bulak lamang ano ang puedeng ipahid?

    Sa sugat o anumang ‘minor surgery’
    Kung kapos sa pera ang isang pasyente?
    Di lalo na itong nasa ‘emergency’
    Na karaniwan ng laging ‘fifty-fifty’?

    Sapagkat kung wala ka nga ni pambili
    Ng alcohol man lang anong mangyayari?
    Nand’yan ang problemang pinakamatindi
    Na dapat mabigyan ng ‘first priority’

    Ng ‘Department of Health’ sa kasalukuyan  
    O ni PNoy mismo kung kinakailangan;
    Dahilan na rin sa ya’y di pamprobinsyal
    At di sa kamay ni “Nanay’ naka-atang

    Ang pagbibigay ng kailangang ayuda
    Upang isa-ayos ang lahat-lahat na;
    Gaya nitong mga pinatayo na niya
    Sa ilang komunidad sa ating probinsya.

    Na tunay naman ding ang pangangailangan
    Sa lahat ng kagamitang pang-medikal,
    Ay napakadaling bigyang kalutasan
    Ng gobernador na madaling lapitan.

    Na kung saan pati wala na kumbaga
    Sa hurisdiksyon ni Nanay Pineda,
    Ay tinutulungan pa mandin po niya
    Gaya ng Angeles na ‘chartered city’ na.

    Di gaya ng ibang pulitiko natin
    Na mas higit nilang binibigyang pansin
    Ang susunod at/o halalang darating
    Sa adyenda nila at ‘political will’.

    Kundi ang sa kanya ay makapaglingkod
    Sa lahat pati na sa wala sa sakop
    Ng kanyang mandato bilang provincial guv
    Maging sa Angeles na ‘chartered’ ng lungsod!

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here