ANGAT, Bulacan – Muling hiniling ng mga residente ng bayang ito na tuluyan ng ipatigil ang operasyon ng gravel and sand quarrying sa Angat River at kabukiran, na kahit walang permit at panahon ng kapaskuhan ay hindi umano tumigil.
Ayon kay Henry Sincioco, isa sa mga residente ng Barangay Marungko dito, hindi tumitigil ang pagku-quarry sa kanilang lugar gamit ang crane.
Sinabi niya na ang paggamit ng crane sa pagku-quarry ay nangangahulugan lamang na masyado ng malalim ang nahuhukay o lampas na sa ligal na lalim.
“Nasira na ang mga bukid dito, pati mga bahay ay maaring matibag pag nagtagal,” ani Sincioco.
Gayundin ang sinabi ni Armando Bernanrdo, isang dating quarry operator na tumigil sa pagsasagawa ng operasyon ilang taon na ang nakakaraan dahil sa nakita niya ang epekto nito sa kapaligiran.
Ayon kay Bernardo, halos hindi pakinabangan ang ekta-ektrayang bukirin sa kanilang lugar kapag tag-araw dahil mabilis matuyo ang tubig.
“Hindi lang food production and apektado ng quarrying, pati yung livelihood ng mga manananim at mamimitas ng gulay kapag anihan,” ani Bernardo.
Matatandaan na noong Oktubre ay nagsagawa ng isang kilos protesta ang mga resident eng bayang ito bilang pagtutol sa operasyon ng quarry na nagsimula pa noong dekada 60.
Bukod sa nasabing kilos protesta, naglabas din ng isang petisyon ang mga residente bilang pagtutol sa quarry operations.
Ang mga kopya ng nasabing petisyon ay ipinadala ng mga residente sa mga opisyal pamahalaan ngunit sa kabila nito ay hindi pa rin mapigil ang operasyon.
Ito ay dahil na rin sa bukod sa utos na imbestigahan ang nasabing operasyon ay wala pa ring malinaw na desisyon si Gob. Joselito Mendoza.
Ayon sa mga residente, tapos na ang imbestigasyon at maging ang Mines and Geosciences Bureau (MGB) sa Gitnang Luzon ay nagbigay na ng rekomendasyon kay Mendoza na itigil ang pagbibigay ng special permit sa mga quarry operators.
“Dapat ng ipatupad ang mga rekomendasyon para matigil ang quarry operations dito,” ani Bernardo.