MALOLOS CITY – Dapat ng magdeklara ng state of calamity sa Bulacan ayon sa mga magsasaka na mula pa noong nakaraang taon ay nalugi sanhi ng bagyong Ondoy.
Ito ay dahil sa hanggang ngayon ay hindi pa rin sila nakapagtatanim ng palay, at posibleng hindi rin makapagtanim sa buwan ng Nobyembre at Disyembre dahil sa kawalan ng patubig mula sa Angat dam.
Samantala, sinabi ni ng panlalawigang tanggapan ng pagsasaka na aabot lamang sa 35 posyento ng mahigit sa 50,000 ektaryang bukirin sa lalawigan ang maaaring mataniman.
Para naman kay Gob. Wilhelmino “Willy” Alvarado, magdedeklara lamang siya ng state of calamity sa lalawigan kung maghahain ng sama-samang kahilingan ang mga magsasaka sa lalawigan.
“Dapat na talagang magdeklara ng state of calamity sa Bulacan dahil hanggang ngayon ay walang tubig,” ani Hermogenes De Castro, ang taga-pangulo ng Angat-Maasim River Irrigation System (AMRIS) Confederation of Farmers Irrigators Association na may kasaping umaabot sa 27,000 magsasaka.
Sinabi niya na ilan sa mga magsasakang Bulakenyo ang nakipagsapalarang magtanim ng palay nitong Hunyo sa kabila ng kawalan ng alokasyon na irigasyon ng Angat dam na ang water elevation ay nananatiling mababa sa kritikal na 180 meters.
Ayon pa kay De Castro, ang pananim na palay sa Bulacan ay nasalanta ng bahang hatid ng bagyong Ondoy na nanalasa noong huling bahagi ng Setyembre 2009.
Dahil dito, hindi nakaani ang maraming magsasaka, at ang mga nagsipaghabol ng tanim ay hindi rin halos umani dahil sa kinapos ng patubig sanhi ng El Niño na nanalasa mula sa unang bahagi ng taon hanggang sa kasalukuyan.
“Huling umani ang mga magsasaka noong Abril, pero kaunti lang,” ani De Castro.
Inayunan naman ito ni Rosendo Flores ng bayan ng Bulakan at isa sa mga opisyal ng AMRIS Confederation.
“Halos 30 percent lang nga magsasaka sa Bulacan ang umani noong Abril,” ani Flores at iginiit na ang pagtatanim ng mga magsasaka ay nakadepende sa alokasyon sa patubig mula sa Angat dam.
Inayunan din ni Flores ang panawagan ni De Castro na dapat ng magdeklara ang kapitolyo ng State of Calamity sa Bulacan dahil sa patuloy na nagsasakripisyo ang mga magsasaka sa pananalasa ng mga extreme weather events tulad ng bahang hatid ng Ondoy at El Nino.
“Kailangan ng mga magsasaka ang assistance lalo na yung nalusawan ng pananaim, yung mga hindi umani at walang maitanim. Dapat din na-i-subsidize ng gobyerno ang mga farm inputs,” ani Flores.
Maging ang magsasakang sina Rolando Cabrera ng Pulilan at Carlos Dimaapi ng Plaridel na kapwa opisyal ng AMRIS Confederation ay umayon sa panawagan nina De Castro at Flores.
Ayon kay Cabrera, kung walang suportang ibibigay ang kapitolyo sa mga magsasaka ay “magtitiis na naman kami,” samantalang sinabi ni Dimaapi na muli naman silang “makikipagsapalaran.
“Mahirap na kung ako lang magpapanukala ng pagdedekalara, baka isipin na gusto ko lang makuha ang calamity fund,” ani naman ni Alvarado.
Ang calamity fund ng kapitolyo ng Bulacan ay tinatayang aabot sa may P400-milyon dahil ito ay limang porsyento ng pondo ng kapitolyo na umaaabot sa P1.3-bilyon.
Sa unang panayam ng Punto kay Alvarado noong Hulyo 12, sinabi ng gobernador na hindi muna sila magdedeklara ng state of calamity.
“We are studying the possibility, pero tingnan muna natin, kasi tag-ulan, baka tuluyan ng tumaas ang tubig sa dam at hindi na kailanganin ang deklarasyon ng state of calamity,” ani ng gobernador na nagsimulang manungkulan noong Hunyo 30 bilang ika-31 punong lalawigan ng Bulacan.
Ngunit ang inaasahang ulan ni Alvarado ay hindi dumating. Nanatiling mababa ang tubig sa Angat dam na sa kasalukuyan ay nasa 164 meters above sea level lamang o higit na mababa sa kritikal na 180 meters kung kailan pinuputol ang alokasyong patubkig sa magsasaka.