MALOLOS CITY – Dahan-dahan lang sa pagre-report.
Ito ang kahilingan ng mga negosyanteng Bulakenyo sa mga mamamahayag sa Bulacan dahil sa diumano’y epekto ng pamamahayag sa industriya ng pag-aalaga ng baboy.
Sa kanilang apat na pahinang resolusyon na nilagdaan sa katatapos na 2nd Bulacan Business Conference, sinabi ng Bulacan Chamber of Commerce and Industry (BCCI) na dapat maging balanse ang pamamahayag.
Binanggit nila na ang mga nakaraang pag-uulat hinggil sa Ebola Reston virus na nasundan ng Influenza A H1N1 (na unang tinawag na Mexican swine flu) ay lubhang nakaapekto sa lokal na industriya ng paghahayupan.
Sinagot naman ito ng National Union of Journalists of the Philippines (NUJP) Bulacan chapter na ginagawa lamang ng mga mamamahayag ang kanilang trabaho sa layuning maipahatid sa tao ang tamang impormasyon.
Kabilang dito ay ang hangaring magbigay ng sapat na impormasyon ang mga tao hinggil sa panganib ng flu pandemic, at kung ano ang maaaring gawin ng tao upang maiwasan iyon.
Hinamon din ng NUJP-Bulacan chapter ang mga negosyante na magsagawa ng isang forum kasama ang mga mamamahayag upang maipaliwanag ang panig ng bawat isa.
Bukod sa kahilingan ng BCCI sa mga mamamahayag, nanawagan din sila sa pamahalaang panlalawigan na bilisan ang pagpapalapad sa Quirino Highway mula Quezon City hanggang San Jose Del Monte City, at maging sa Marilao-San Jose del Monte Road.
Sinabi rin nila kay Mendoza na pangunahan ang pagbuo ng isang kooperatiba ng mga magbababoy sa lalawigan upang maproteksyunan ang industriya.
Dagdag pa ng BCCI na dapat itigil ng Bureau of Internal Revenue ang kanilang “Oplan Kandado” bilang konsiderasyon sa kasalukuyang krisis na hinaharap ng mga negosyante.
Bukod sa mga nasabing kahilingan, iginiit din ng BCCI ang mga resolusyong kanilang inihain noong nakaraang taon sa isinagawang First Bulacan Business Conference.
Kabilang sa mga unang resolusyon nila ang paglilinis sa mga palengke at improvement ng physical facilities nito; pagtatayo ng local livestock laboratory para agad na matugunan ang mga sakit ng hayop sa lalawigan.