Hiling kay PNoy, wakasan ang culture of impunity

    248
    0
    SHARE
    LUNGSOD NG MALOLOS – Nagpahayag ng pagka-alarma ang mga mamamahayag sa kawalan ng political will ni Pangulong Benigno Aquino III para wakasan ang culture of impunity sa bansa na naglalagay sa mga mamamahayag at mamamayan sa panganib.

    Ang pagka-alarma ng mga mamamahayag ay inihayag sa dalawang pahinang bukas na liham na ipinalabas noong Linggo ng Freedom Fund for Filipino Journalist (FFFJ), ang pambansang koalisyon ng mga samahan ng mga mamamahayag.

    Ang nasabing bukas na liham ay inilabas kaugnay ng pagsisimula ng paggunita sa Semana Santa kung kailan ay binibigyan diin ng Simbahan ang kahalagahan at kasagraduhan ng buhay.

    Ang bukas na lihan ay inilabas 509 na araw matapos ang makahayop na pamamaslang sa Maguindanao kung saan ay 58 katao kabilang ang 32 mamamahayag ang pinaslang.

    “As the nation takes its annual Holy Week retreat, the advocates for justice for slain journalists and press freedom protection recall their hopes in your assumption to power and your promise for renewal and change,” ani ng FFFJ sa kanilang bukas na liham.

    Ipinaalala ng FFFJ kay Aquino na, “you campaigned not only on a promise to fight corruption, but also to uphold human rights and the rule of law. Your appointment of former Commission on Human Rights Chair Leila de Lima as Secretary of Justice sent a strong signal to the country that your officials would help fulfill the promise you made in a number of your speeches: that you will put closure to human rights killings and hold the murderers accountable. In a speech on the 62nd anniversary of the Universal Declaration of Human Rights in December last year, you recalled how your own family had been victims of the human rights violations at the hands of a repressive government, along with other Filipinos.”

    Sa kabila ng pagkilala sa mga naunang inisyatiba ni Aquino, diretsahang sinabi ng FFFJ na, “Mr. President, what is needed is concrete action that will turn the page in the public mind: action that will send a signal that the executive will do all that is necessary and within its power to counter impunity.”

     Binigyang diin ng FFFJ na sa kasalukuyan ay naaalarma o nangangamba na ang mga mamamahayag dahil sa maraming gunman at  mastermind sa pamamaslang ang patuloy na nakalalaya.

     “There are today more assassins and masterminds who have so far escaped punishment than the few who have been tried and convicted. For so long as this impunity reigns, all Filipinos, not only journalists and media workers, but ordinary citizens as well, will continue to be at risk,” ani ng FFFJ.

    Ayon pa sa pahayag, tumataas din ang bilang mga pulis at lokal na opisyal na nasasangkot sa pamamaslang sa mga mamamahayag at mga aktibista.

    Ngunit sa kabila nito, hindi pa rin sapat ang ginagawa ng administrasyong Aquino at ito ay masasalamin sa kasunod na pahayag ng FFFJ na nagsasabing “you have not taken any significant action to show political will to put an end to impunity and to launch the presidential initiatives needed to begin the process of change.”

    Ayon sa FFFJ, ang hindi pag-uusig sa mga pumaslang sa mga mamamahayag at mga aktibista ay naghahatid ng mapanganib na senyales na ang pamamaslang ay magpapatuloy katulad ng nangyari sa administrasyon ni dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo.

    “That failure will confirm that impunity will continue to reign and those with the means will not stop the use of violence against those they wish to silence,” ani ng FFFJ.

    Iginiit pa nila na, “the killing of journalists is part of the culture of impunity, and no real and lasting reform is possible in such a context.  While there are other victims, journalist victims stand out because they make news. However, the gains made to stop journalist killings will not protect journalists alone, but will effectively redound to the greater public safety of all citizens.”

    Ipinaalala din ng FFFJ kay Aquino na noong nakaraang taon, nagsumite sila ng rekomendasyon matapos silang makipagpulong sa mga kinatawan ng Pangulo.

    Kabilang sa nasabing rekomendasyon ay ang pagpapalakas sa Witness Protection Program ng pamahalaan at pagbuo sa Multi-sectoral Quick Response Teams na agarang tutugon kung may mapapaslang na mamamahayag.

    Inirekomenda rin ng FFFJ kay Aquino na hilingin sa hudikatura na rebisahin ang kasalukuyang sistema sa korte partikular na ang alituntuning sinusunod nito, kaugnay ng pagpapabilis sa pag-uusig sa mga sangkot sa Maguindanao Massacre at iba pang pamamaslang sa mga mamamahayag.

    Kaugnay nito, nagpahayag din ng pagka-alarma ang Center for Media Freedom and Responsibility (CMFR) sa pagkaka-absuwelto sa mga akusado sa pamamaslang sa mga mamamahayag na sina Roger Mariano ng Ilocos Norte at Fernando Batul ng Puerto Princesa sa lalawigan ng Palawan.

    Ang CMFR ay nagsisilbing kalihiman ng FFFJ at kabilang sa mga samahan ng mga mamamahayag na patuloy na sumusubaybay sa mga kaso ng pamamaslang sa mga mamamahayag.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here