Hiling bago SONA
    National Land Use Law, pagtibayin

    323
    0
    SHARE

    MALOLOS CITY—Habang nalalapit ang ikatlong State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Aquino, nanawagan ang isang kinatawan ng party-list para sa pagpapatibay ng National Land Use Management Act (NLUMA) na magsisilbing pamantayan ng pagpapaunlad sa bansa.

    Ang panukalang batas ay may 20 taon nang natutulog sa Kongreso at nabanggit pa ng Pangulo sa kanyang unang SONA noong 2010 kung kailan ay sinabi niya na “ipasa na po natin ang National Land Use Bill.”

    Ayon kay Kinatawan Arlene Bag-ao ng Akbayan Party-list, magkakaroon lamang ng kabuluhan ang panukala at mga programang pangkaunlaran sa bansa kung ito ay nakabatay sa integrated framework na itinatakda ng pambansang polisiya sa paggamit ng lupa.

    Binigyang diin niya na anumang pangkaunlarang polisiya o batas na pagtibayin, tiyak na ito ay mauuwi sa sigalot, maging ang kontrobersiyal na Executive Order 79, dahil sa kawalan ng pambansang polisiya sa paggamit ng lupa.

    “It (mining policy) will forever be subject to conflict due to lack of a national land policy because of the lack of mandate that tells local government units (LGU) to identify use of local resources,” ani Bag-ao sa isang esklusibong panayam.

    Binigyang diin niya na na kapag napagtibay, ang NLUMA ang magsisilbing balangkas at pamantayan sa mga programang pangkaunlaran ng bansa.

    Ayon pa sa kinatawan, matutugunan ng NLUMA ang ibang usaping sektoral tulad ng pangangalaga sa kalikasan, paghahanda at pagtugon sa epekto ng climate change, maging sa pagpapaunlad ng ekonomoya at iba pa.

    “The value of land use is to allow LGUs to identify use of land based on actual analysis of their resource,” paliwanag niya at idinagdag na dapat itong bigyang prayoridad ng pamahalaang pambansa.

    Batay sa mga tala na naipon ng mamamahayag na ito, ang NLUMA ay unang inihain sa Kongreso may 20 taon na ang nakakaraan.

    Ito ay muling nabigyang pansin sa SONA ng Pangulo noong 2010, ngunit mula noon, ay hindi pa ito nakakalampas sa ikalawang pagbasa sa Kongreso.

    Ang konsepto ng NLUMA ay unang isinatinig noong 1983 ni dating Pangulong Ferdinand Marcos nang ipalabas niya ang Letter of Instruction 1350 na kumikilala sa pangangailangan ng bansa para sa institutional framework on national physical planning.

    Sa ilalim ng LOI 1350, ang komprehensibong imbentaryo at gamit noon ng lupa ay naging isang polisiya ng gobyerno, ngunit hindi ito naging batas na pinagtibay ng Kongreso.

    Ayon sa Campaign for Land Use Police Now (CLUP Now), isang muti-sektoral na koalisyon ng ibat-ibang samahan na nagsusulong para sa pagpapatibay ng NLUMA, nagsumite sila ng panukala sa Kongresos hinggil dito.

    Ngunit hindi ito nabigyan ng sapat na pansin ng mga Kongresista.

    Noong 2004, sinertipikahan ni datng Pangulong Gloria Macapagal Arroyo ang panukalang batas sa paggmit ng lupa bilang “urgent” at pumasa ito sa ikatlong pagbasa ng Kongreso, ngunit hindi nakalikha ng sariling bersiyon ng panukalang batas ang Senado.

    Sa ika-13 at ika-14 na Kongreso, isunumite ang panibagong bersiyon ng NLUMA na nagbigay daan sa paglikha ng Special Land Use Committee.

    Noong 2010, muling inihain ito sa Kongreso ni Bag-ao at nabigyan ng panibagong buhay ng hilingin ng Pangulo sa Kongreso na ipasa na ito.

    Ngunit dalawang taon ang nakalipas, nananatiling nakabinbin ito sa Kongreso.

    Ayon sa CLUP Now, ang kasalukuyang besyon ng NLUMA ay kumikilala sa “rational and just allocation, utilization, management and development of the country’s land and its resources.”

    Ayon pa sa kanila ang NLUMA ay naglalayon ng “institutionalization of land use and physical planning mechanism for identifying, determining and evaluating appropriate land use and allocation patterns.”

    “The NLUMA will ensure maintenance and preservation of environment integrity and stability; sustainable, just management and utilization of natural resources; disaster risk reduction and climate risk-based planning; protection of prime agricultural land for food security and sufficiency; sustainable management of water resources; respect for and protection of the sustainable traditional resource right of the Indigenous Cultural Communities to their ancestral domains; conservation of the country’s natural heritage like forests, critical watersheds, and biodiversity; and energy security or energy self sufficiency,” dagdag pa ng CLUP Now.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here