HAGONOY, Bulacan – Hindi Influenza A(HIN1) o ang kakulangan sa mga silid aralan, guro at mga libro ang pinangangambahan ng mga opisyales at magulang sa mga paaralang pampubliko sa bayang ito na isa sa limang coastal towns ng Bulacan.
Sa halip ay ang patuloy na paglaki ng tubig mula sa dagat o high tide na palagiang nagpapalubog sa bakuran ng mga paaralan.
“High tide ang primary concern namin dito, yung mga shortage sa facilities, equipment at mga books ay minimal lang,” ani Natalia Guevarra, ang punong guro ng Hagonoy East Central School.
Ayon kay Guevarra, taon-taon ay nagsasagawa ng fund raising ang mga guro kasama ang mga bumbuo sa mga Parents Teachers Community Association (PTCA) upang makaipon ng pera sa pagpapatambak upang tumaas ang lupa na kinatatayuan ng mga silid aralan dito.
Subalit hindi pa rin iyon sapat ayon sa mga dalubhasa dahil sa patuloy ang pagtaas ng tubig. Ito anila ay tumataas ng isang pulgada bawat taon.
“Malaki na ang nagastos sa pagpapatambak sa school grounds pero lagi pa ring lumulubog dahil patuloy ang pagtaas ng high tide,” ani ng punong guro
Inayunan naman ito ng mga gurong sina Corazon Macalinao at Lydia Salazar, na kapwa nagtuturo sa mga grade one students.
Ayon sa dalawa, dahil sa kagustuhan ng mga magulang na hindi mabasa sa pagpasok ang kanilang mga anak ay boluntaryong sumuporta ang mga ito sa mga pangangailangan ng paaralan.
Hinggil naman sa Influenza A(H1N1), sinabi ng mga guro na sinimulan na nila ang pagtuturo sa mga bata hinggil ditto noong Lunes.
Ayon kay Macalinao, nagsagawa ng isang orientasyon noong Biyernes ang mga Health officials hinggil sa nasabing sakit na kumalat na sa 43 bansa, na naging dahilan ng pagkakasakit ng mahigit 12,000 at pagkamatay ng 80.
“Yung Influenza A(H1N1) ay maiiwasan, pero yung high tide, hindi maiwasan kaya nag-aalala kami sa mga bata,” ani Macalinao.
Ang Hagonoy East Central School ay tahanan ng may 2,000 mag-aaral. Ito ay matatagpuan sa likod ng munisipyo sa bayan ng Hagonoy.
Isa sa mga popular na produkto ng nasabing paaralan ay ang yumaong statesman na si Blas F. Ople, na nagsilbi bilang Labor Secretary, Senate President, at Secretary of Foreign Affairs.
Ayon sa mga guri, ang may tatlong ektaryang bakuran ng Hagonoy Central School ay nagsimulang lumubog sa high tide may 10 taon na ang nakakaraan.
Upang matiyak na hindi mababasa ang mga estudyante, nagpatayo ng mga kongkretong path walk sa paaralan na nag-uugnay sa mga gusali nito.
Gayunpaman, malaki bahagi pa rin ng paaralan ang palaging lumulubog partikular na ang playground nito na wala ng mag-aaral ang naglalaro.