He”s not “media friendly?”

    341
    0
    SHARE
    Ang pagiging prangka ni Digong Duterte,
    at ang tila walang preno sa sarili
    nito kung magbitaw ng salita pati,
    sa ganang akin ay di kapuripuri.

    At di lamang kapwa natin Filipino
    itong sa June 30 uupong pangulo
    ang pumupuna sa ganitong estilo
    kundi pati rin yata buong mundo?

    Kaya kung tunay mang mannerism na niya
    ang ganyan, na kaunting kibot nagmumura;
    Sana matapos na makapanumpa siya,
    ang nakasanayan ay kalimutan na.

    At ang pagkasabi niya noon kay Alan,
    ang siyang gawin nito bilang panuntunan,
    na kapag mali siya ay agad sabihan:
    ng (“Mayor) di tama ang diskarteng iyan?”

    Humigit-kumulang ganyan ang sinabi
    kay Cayetano ni Rodrigo Duterte,
    (Di ko na lang ga’nong matandaan kasi
    kung papano ang eksaktong pagkasabi).

    Kaya lang sa puntong yan na di pinalad
    si Cayetano sa posisyon niyang hangad,
    sino’ng kay Duterte ‘magpapatalastas’
    pumuna sa mali at di nararapat?

    Gaya halimbawa ng isyu sa Media,
    na anhin man naming isipin tila ba
    ang katulad namin di ‘welcome’ sa kanya
    bunsod ng kung anong pakakakilala?

    At kaya raw yata ang ibang kabaro
    namin sa propesyon pinapatay nga po
    ay sapagkat sila’y ‘corrupt’ at hunyango,
    liban sa ang gawa ng iba pa’y liko?

    O ‘double-blade’ kaya napag-initan yan
    ng kampo ng dating kung i-build-up panay;
    pero nang mag-‘over bakod’ sa kalaban,
    ang isinulat n’yan ay naging ‘pamatay’?

    (At/o nang ito ay di na nga madalas
    nabibigyan nitong bulsa ay nagasgas
    aa sa kadudukot… ay biglang lumipat
    sa kabila itong magaling magsulat?)

    Ganyan ba ang nais tukuyin ni Digong
    sa naging pahayag niya tungkol doon,
    na kaya ang taga Media nade-dedbol
    ay dahil umano sa sistemeng iyon?

    Kung may ganyang pangyayari man sa iba
    di dapat lahatin itong taga Media,
    na ang tanging hangad iparating tuwina
    Sa mambabasa ang totoo talaga.

    Tulad ng sinamang-palad na mapatay
    sa ‘Maguindanao massacre 2009,’
    Di ba’t ang totoo at talagang pakay
    ng mga biktima’y para samahan lang

    Ang misis ni Mangudadatu, Esmael
    Upang sa Shariff Aguak yan makapag-file
    Ng C.O.C., and at that time convoyed by then
    a group of what we called veteran Mediamen.

    Yan ba ay nang dahil sa sila ay ‘corrupt’
    kaya nilikida ng walang patawad,
    ng hinihinalang Ampatuan ang utak
    ng brutal na pagpatay sa mamahayag?!

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here