LUNGSOD NG SAN JOSE DEL MONTE —- Binigyan ng hero’s welcome si PO3 Junrel Kibete, ang isa sa 44 SAF na napatay sa Mamasapano, Maguindanao, nang iuwi ang mga labi nito sa Bulacan nitong Sabado.
Si Kibete ay ibuburol sa tahanan ng kanyang kapatid sa Minuyan 2nd at iilibing saika-8 ng Pebrero sa Barangay Gaya-gaya. Naging emosyonal pa rin ang pamilya at mga kaanak ng napatay ng pulis at hindi pa rin nila matanggap sa ngayon ang kanyang sinapit.
Tumanggi ang mga itong magbigay ng pahayag maliban sa 11-taong-gulang na anak na si Princess Oriel Jane Kibete na nagpahayag kung gaano niya kamahal ang kanyang ama.
Nagbigay naman ng tulong pinansyal ang Bulacan PNP at Bulacan Association of Judges sa mga naulila ng SAF officer. Magbabantay ang kapulisan sa burol ni Kibete hanggangsa ito ay mailibing bilang pagbibigay pugay sa kabayanihan na ipinakita nito sa labanan sa Mamasapano Maguindanao.