Heart nanghihinayang at ‘di siya natuloy sa Patient X

    392
    0
    SHARE
    Si Heart Evangelista sana ang gaganap na title role sa Patient X pero dahil sa aberya, hindi siya natuloy at si Cristine nga ang naging bida rito.

    Hindi ba siya nanghihinayang sa pagkatanggal sa Patient X at pinalitan siya ni Cristine Reyes?

    “Sayang, hindi ko iki-nakaila. Pero nawala man ako sa Patient X  napalitan naman ng isang Sharon  movie na matagal ko nang dream magmula nang pasukin ko ang showbiz,” sabi ni Heart.

    Hindi na itinatago ni Heart ang excitement sa pagkapili sa kanya sa Mano Po 6 bilang anak ni Sharon Cuneta.  Entry sa Metro Manila Film Festival Philippines ’09 ang naturang pelikula.

    “Ever since ay isa na akong Sharonian. Bata pa ako ay may napakalaking poster na kami sa bahay na picture ni Sharon. Kaya nang malaman kong kasama ako sa movie ni Ate Shawie ay ‘di na ako mapalagay. Sa bahay pa lang ay pinag-aaralan ko na ang script para pagdating ng take ay hindi ako mapahiya,” kuwento ni Heart na super sexy at lalong  gumanda.

    Ito ang dahilan kung bakit nga kahit nanghihinayang siya sa pagkabubuta sa Patient X. ipinagmamalaki pa ng ex-girlfriend ni Jericho Rosales na  maganda rin ang nakapalit ng movie nila sana ni Richard Gutierrez. 


     

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here