Heart, in love pati sa bayan ni Chiz

    445
    0
    SHARE
    In love na in love si Heart Evangelista sa natural beauty ng Sorsogon, ang probinsya ng kanyang asawang si Sen. Chiz Escudero.

    Kaya naman hindi niya pinapalampas ang pagkakataon na pumunta sa nasabing probinsya kapag siya ay isinasama ng asawa.

    May hashtag pa ngang #mahalkongsorsogon ang mga picture niya sa Instagram kapag siya ay nagpupunta sa Sorsogon.

    Paboritong pasyalan ni Heart ang Bulusan Lake kung saan kinunan ang pre-nup pictorial nila ni Chiz.

    Dahil nga sa mga Instagram post ni Heart sa mga pasyalan sa Sorsogon, lalong dinarayo ang probinsya lalung-lalo na sa Donsol na kilala sa whale sharkwatching.

    Kamakailan ay binuksan na rin ang isang 400-square meters na surfer’s pavilion sa Brgy. Buenavista, Gubat na inaasahang dadayuhin ng mga foreign at local surfer.

    Malaking bagay rin na 100-percent energized na ang probinsya na siyang trinabaho ni Chiz noong naging congressman siya ng lalawigan sa pagnanais niyang lalo itong dayuhin ng mga turista.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here