Heart immune na sa bashers

    424
    0
    SHARE
    SA DAMI ng mga nagkalat na troll sa social media, dedma na lang daw si Heart Evangelista sa mga basher niya at maging ng mga basher ng kaniyang asawang si Sen. Chiz Escudero.

    Nasanay na raw siya sa mga basher dahil wala namang katotohanan ang pinagsasabi nila sa social media lalo na sa Facebook, kwento ni Heart nang sila ay mag-guest ni Chiz sa “Bawal ang Pasaway” ni Mareng Winnie Monsod sa GMA News TV nitong Lunes.

    “In the beginning, it drove me crazy. Especially ako sanay ako sa social media. I’m very active on Instagram, Facebook, so nung umpisa nakikita ko lahat,” sey ni Heart patungkol sa mga troll sa social media.

    Pinayuhan daw siya ni Chiz na huwag pansinin ang mga basher.“Pero siyempre bilang asawa or bilang kaibigan din, parang nasasaktan ako para sa kanya. Hindi ba? So I have learned to let go,” sabi ni Heart.

    “Eventually, siguro, you get immune din to what they throw at him or even to me,” dagdag pa ng misis ni Chiz na nangungunang kandidato sa pagkabisepresidente base sa mga survey.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here