Hindi kaya gimik lang yung deklarasyon ni JC Tiuseco na nag-cool off muna sila ng kanyang abugadang girlfriend para hindi ito maging sagabal sa kanyang showbiz career. Sa mga panayan kasi ng Sole Survivor, sinasabi niyang wala na sila ng dating girlfriend ng mahigit na isang buwan dahil nga busy na sila kapuwa nito.
Walang malinaw na dahilan except yung time element. Kumbaga, parang ganoon na lang yata yun na puwedeng makipag-cool off sa girlfriend na may pinagsamahan naman sila ng limang taon.
But of course, we will completely understand kung sakali ngang ginawang career move ni JC yung pakikipagkalas niya sa GF niya nang basta ganoon lang. Dito na kasi nakasalalay yung career niya sa business at kung hindi niya ito sasamtalahin, baka nga naman di niya mapakinabangan yung panalo niyasa kauna-unahang Pinoy Survivor competition.
Ayon kay JC, pareho naman daw silang nagkasundo ng kanyang girlfriend of five years kung anumang sitwasyon meron sila ngayon.
“Naiintindihan naman po niya,” aniya. “Pareho naman po kaming busy. Siyempre, pareho po kaming palaging wala. Pero may communication pa rin naman po kami, nag-uusap pa rin po kami.”
Sa five years na nilang relasyon, napag-usapan ba nila ang tungkol sa pagse-settle down bago pa man siya sumali sa Survivor?
“Actually ako, wala pa po, e. Twenty-three pa lang po ako. Siguro kung mag-aasawa po ako, kapag mga 30 na ako. Kapag settled na ako, maayos na lahat. Although, hindi pa naman po namin napag-usapan yung bagay na yun.”
Hindi ba siya nanghihinayang na sa pagsali niya sa Survivor at ngayo’y nag-aartista na siya, tila kapalit naman nito ay ang unti-unting pagkakalabuan nila ng kanyang girlfriend?
“Wala naman pong regrets sa akin,” sagot ni JC. “Kasi, yun nga po, iniisip ko, noong nag-i-start pa lang po ang Survivor, iniisip ko palagi na lahat ng nangyayari, may reason. Kahit noong sumasali ako sa Survivor, hindi naman sure na nakasama na ako. Lalo na, yun nga, noong time na sinabi nilang kuha na ako, tapos biglang may nakita sa health ko na may sakit, muntik na akong hindi makasali. Iniisip ko na yun na bahala na kung hindi makasali, siguro may dahilan talaga. Ganoon po akong mag-isip talaga, positive lang palagi ang iniisip ko at may mas magandang darating.”
Very vocal naman si JC na hinahangaan niya ang Kapuso star na si Heart Evangelista. Nagsimula raw ang crush niya rito hindi pa man siya sumasali sa Survivor Philippines.
“Dati pa po, nagba-basketball pa lang po ako, high school pa lang po ako. ABS [CBN] pa yata siya noon. Tapos siyempre, nakikita ko sa TV, ang ganda!” pag-amin ni JC.
Masaya raw siya nang una niyang makita si Heart sa personal. Naging guest pa raw siya sa show ni Heart sa QTV11, Fashionista, kaya alam ng dalaga na crush siya ni JC.
“Sa interview niya po, sinabi ko!” natatawang kuwento ni JC. “Tinanong po kasi niya ako kung sino raw po ang crush ko, sabi ko, ‘Ikaw.’ Natawa lang po siya. Sabi niya, niloloko ko lang daw siya. Pero sabi ko po, ‘Hindi, totoo talaga!’”