Heart Evangelista, Jericho Rosales nagkikita nang palihim

    420
    0
    SHARE
    Naging laman ng mga blind items na di naman totoong naghiwalay ng landas sina Heart Evangelista at Jericho Rosales. Na madalas nga, nagkikita pa rin sila’t higit sa lahat, sila pa rin naman, sa ngalan ng pag-ibig hanggang ngayon. Kumbaga, ipinalalagay na gimik lang yung paghihiwalay nila.

    Ayon sa isang nakausap namin, posible raw talagang nagkaroon ng selosan sa pagitan ng dalawa. Especially so, si Jericho ay na-link kay Carmen Soo na siya nitong leading lady sa isang project ng ABS-CBN. Na kinagat nga ni Heart pero sa  bandang huli, naging gimik na lang ito para pag-usapan ang dalawa.

    “Look, lumamlam ang career nina Jericho at Heart simula nang maging opisyal na silang dalwa na. Noong una, may init pa nga ito dahil sa kesyo ayaw ng mga magulang ni Heart at tuluyan na nilang itinakwil si Heart. Si Heart, umokey lang dahil aniya, talagang mahal niya si Jericho at kailangang ipaglaban niya ito.

    “Nang lumaon, lumabo na yung career ng dalawa. Nobody would like to touch them with a ten foot pole dahil nga puro semplang ang mga projects nilang dalawa.

    “Nang magkaroon ng pagkakataong lumipat si Heart sa GMA 7, that’s when lumabas na nagkasawaan na sila ni Jericho. At totoo namang nakatulong ito dahil umalagwa ang mga career nila.  Kumbaga napangatawanan na nila’ng kanilang paghihiwalay,” ayon pa sa kausap namin.

    Heto na nga ngayon, ayos na raw ang sitwasyon ng dalawa. Kukuha lang daw sila ng pagkakataong i-annouce na silang dalawa pa rin. O baka naman palabasing muli silang umibig sa isa’t isa at sa tingin nga nila, hindi na ito makasisira sa kanilang career sa ngayon. Especially for Heart dahil nga nagkaroon na siya ng solo star image. Without a leadingman, na aasahan para sa loveteam, isa ng durable star si Heart at hindi na makasasama kung sakaling magkabalikan sila ni Jericho Rosales.

    Jericho has been there and will never be out. Istariray na talaga siya noon pa man kahit naapektuhan siya noon ay dahil nga mismatch sila ni Heart as lovers in their reel partnership. Pero bumalik na sa normal ang star stature ni Jericho at posibleng mag-match na sila some other time.

    Heto na nga, silang dalawa pa rin daw and as a matter-of-fact, madalas makita si Heart sa Loyola house ni Jericho. Ayon sa nagbalita sa amin, ibinenta na ni Jericho yung kanyang bahay sa Antipolo at sa Loyola  siya ulit nakatira.

    “Maingat yung pamilya ni Jericho, pero nahuhuli ko sila, ipinaglilihim nila pero kung minsan lumalantad ang totoo, silang dalawa pa rin ni Heart Evangelista,” sabi pa ng source namin.

    How true?



    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here