Heart Evangelista di pa mapatawad ng mga magulang

    480
    0
    SHARE
    Kah it pala naikasal na si Heart Evangelista kay Senator Chiz Escudero, hindi pa rin napapatawad si Heart ng kanyang mga magulang.

    Patunay yung di man lang dumalo ang mga ito sa magarbong kasal ng anak na ginanap sa Balesin Island sa Quezon Province.

    Hindi lingid yung galit ng mga ito sa anak kahit na noong nagsisimula pa lang ang love affair ng dalawa. Sobrang drama ang nasaksihan ng publiko tungkol sa
    kanila.

    Si Heart naman, vocal sa pagsasabing mahal niya si Senator Chiz at kahit na itakwil; siya ng mga magulang ay okey lang sa kanya.

    Si Senator Chiz sa kanyang parte ay walang pakialam, to the point na nilabanan niya ang maanghang na salita ng mga biyenan at ayon nga sa kanya, hindi na sila dapat makialam.

    Kunsabagay, talaga namang matigas ang ulo ni Heart kapag umiibig siya. Ganuon din ang drama nila nang makipag-live in siya kay Jericho Rosales. Itinakwil din siya noon ng mga magulang niya, pero kung ilang taon din silang di nag-usap at nagwakas lang ito nang magwakas din ang kanilang love affair ni Jericho.

    Samantala, tahimik naman ang pamilya sa kung ilang saglit lang na pakikipagnobyo ni Heart kay Daniel Matsunaga. Sumama pa ngang mgbakasyon si Heart sa Brazil at ang akala ng lahat, silang dalawa na ang magkakatuluyan.

    After Daniel, may brief love encounter din si Heart kay Sid Lucero at maraming masagwang tsismis ang tungkol sa kanila na kumalat sa showbiz. Mga blind items alluding na may encounters na naganap sa dalawa. Anyway, that was water down the drain now at halos di na maalala ng publiko.

    Kasal na nga sina Heart at Chiz, pero di na naganap ang hinihintay nilang patawad.
    Pero sa sulat na ipinadala ng tatay ni Heart, may mga linyang handa nilang patawarin ang dalawa when the time comes na nakita na na genuine ang ligaya ng kanyang anak sa piling i Chiz.n

    “Ako na mismovang kakatok sa inyong pinto kapag nakita kong totoo kang masaya,” sabi pa ng isang parte ng sulat.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here