“I loved her very much, she was my life, she meant a lot, all that I did and I had was for her,”sabi pa nito.
Totoo nga naman, maraming mga bagay ang isinuko noon ni Echo sa pakikipaglaban nilang dalawa para sa pag-ibig sa isa’t isa. Kumbaga, nakahihinayang nang iwanan ang laha ng mga ‘yun ng dahil lang sa selos na hindi naman talaga totoo. “Pero nangyari na ang lahat, I have to move on, I am happy for Heart, sana, maging maligaya na siya ngayon,” sabi pa nito.
Wala pa namang lovelife ngayon si Echo, pero umaasa siyang sa malao’t madali, dumating ang bagong pag-ibig. “Marami akong napabayaan sa buhay ko, ang aking career, nawala ako, bumalik ako, muling nawala, this time I don’t want to fail, gusto ko tuloy-tuloy na,” may pag-asa pang sabi niya.
Hindi naman maiwasang mabanggit ang ilang babaing nagdaan sa buhay niya. Sa kanilang lahat daw, mas gustuhin na niynag ituwid sana ang mga pagkakamali niya, pero ayaw na niyang balikan pa si Heart Evangelista. Imposible na raw kasing mangyari pa ito ngayon.