Sa isang interview nga ay sinabi ng number one vice presidential candidate na si Sen. Chiz, napag-usapan nilang mag-asawa ang kanilang New Year’s resolution.
Aniya, hindi naman kailangang kapag magsisimula lamang taon susubukang baguhin ng isang tao ang isang bagay na kanyang nakagawian.
“Nag-usap kami ni Heart tungkol diyan. Ang sabi ko sa kanya, tuwing umaga, gumigising tayo, panibagong araw ‘yun para baguhin ‘yung mga dapat nating ayusin sa buhay natin,” sabi ng senador.
“Hindi natin kailangan maghintay ng January 1 na naman, 2017 or January 1, 2018.
Sayang ‘yung oras at panahon. So ano man ang mababago kada araw, kada umaga, gagawin na namin ‘yun. ‘Yun marahil ang pinakamalapit sa New Year’s resolution namin,” dagdag pa niya.
Si Heart naman ay balik na sa pagpipinta bilang paghahanda sa nalalapit na “Oceans Apart,” ang kanyang second solo exhibit sa Ayala Museum ngayong January 30 to February 9.
Busy rin ang aktres para sa kanyang benefit fashion show para Thalassemia Association of the Philippines at Corridor of Hope, kung saan ibebenta nila ng kaibigan at designer na si Mark Bumgarner ang kanilang mga hand-painted dresses and shoes. Si Mark ang nagdisenyo ng mga ito samantalang si Heart naman mismo ang nagpinta sa mga naggagandahang dresses.