TALUGTOG, Nueva Ecija – Nakahanda ang makapangyarihang Commission on Appointments (CA) na ipagpatuloybang pagdinig sa appointment ni Health Secretary Teodoro Herbosa sakaling muli siyang italaga ng Pangulo.
Ayon kay Sen. Christopher Bong Go, chairman ng committee on health, siya mismo ay nakasuporta sa pagtatalaga kay Herbosa sa kagawaran.
Kung hindi mari-reappoint si Herbosa pagsapit ng Oct.1, 2023 ay magiging bakante ang tanggapan ng kalihim ng DOH, sabi ni Go.
Kaya kung ibang tao ang itatalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos sa Oct. 1 ay magiging ad-interim itong muli, adagdag pa niya.
“Kulang talaga sa panahon,” ani Go.
Ipinaliwanag niya na marami pang gustong magtanong kabilang si si GP Partylist Rep. GP Padiernos at mga senador na miyembro ng CA.
May 24 na miyembro ang CA na binubuo ng contingents mula sa House of Representatives at Senado.
“Due to lack of material time, naubusan po ng oras. Suspendido lang naman po ang hearing,” dagdag ni Go sa sideline ng pamamahagi ng Aid to Individuals in Crisis Situations (AICS) ng Department of Social Welfare and Development at pinagkaisang inisyatiba nila ng GP Partylist sa bayang ito.
Sinabi ni Go na kung wala nang hearing na gagawin sa linggong ito hanggang mag-adjourn ang Kongreso sa Sept. 30 ay kailangang i-reappoint si Herbosa.