Home Headlines ‘Healthy Paaralan’ inilunsad sa Bataan

‘Healthy Paaralan’ inilunsad sa Bataan

633
0
SHARE
Gov. Jose Enrique Garcia 3rd at Mayor Charlie Pizarro (nasa gitna) sa paglulunsad ng Healthy Paaralan sa Pilar. Contributed photo

HERMOSA, Bataan — Patuloy ang malawakang paglulunsad ng “Healthy Paaralan” program sa mga piling pampublikong paaralang pang-elementarya sa lalawigang ito na sinimulan noong Lunes, Setyembre 18,  sa layuning gawing malusog na lugar ang mga paaralan.

“Layunin din ng programa na ituro sa mga mag-aaral ang kahalagahan ng masustansiyang pagkain at isabuhay ang aktibong pamamaraan ng pamumuhay,” sabi ni Gov. Jose Enrique Garcia 3rd.

Sinimulan ang paglulunsad sa bayan ng Pilar kasabay sa Hermosa, Orani, Samal, Abucay, Balanga City, Orion, Limay, Bagac, Morong, Mariveles, at Dinalupihan. 

Dumalo sa programa sa Pilar ang mga local officials sa pangunguna ni Mayor Charlie Pizarro, Pusong Pinoy Partylist Rep. Jett Nisay, mga kinatawan ng Department of Education at iba pa. 

Naghahanda ng punla ng gulay si Mayor Alex Acuzar ng Samal, Contributed photo

Dumalo naman si Hermosa Mayor Jopet Inton sa paglulunsad ng programa para sa malusog at matatag na kabataan sa Culis Elementary School.

“Ang layunin ng programang ito ay hindi lamang para mapabuti ang kalusugan ng mga mag-aaral, kundi pati na rin ang kanilang pag-aaral at pangkalahatang pag-unlad,” sabi ng mayor.

Kasabay nito, nagbigay ng kagamitang pang-sports si Congressman Nisay at binuksan ang taniman ng gulay sa paaralan. 

Masayang nakipaglaro sa mga bata si Mayor Jopet Inton ng Hermosa. Contributed photo

Masayang nagtanghal din ang mga kabataan ng folk dance.

Kasama sa pagtitipon sina sangguniang bayan committee chairman on health chair Luz Samaniego, ibang SB members, municipal health officer Dr. Jose Bismarck Abad, municipal agriculture OIC Vincent Mangulabnan, school district supervisor Ronie Mendoza, PTA president Abijohn Manalo, school principal Emely Agustin at Culis barangay chairman Frederic Bernal. 

“Laging tandaan, kumain ng masusustansyang pagkain at magkaroon ng sapat na pahinga. Ito’y isang mahusay na hakbang tungo sa mas malusog na henerasyon,” payo ni Mayor Inton. 

Samantala, sa bayan ng Samal, pinangunahan ni Mayor Alex Acuzar ang paglulunsad ng “Healthy Paaralan” program sa Gugo Elementary School kung saan nagsagawa ng pagtatanim ng iba-ibang gulay at sinubukan ang ilang larong Pinoy.

 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here