HDO laban sa ex-mayor, 18 akusado hiling sa BID

    353
    0
    SHARE

    GAPAN CITY – Inatasan ng regional trial court (RTC) sa Maynila ang Bureau of Immigration and Deportation (BID) na maglabas ng hold departure order (HDO) laban sa isang dating alkalde ng lungsod na ito kaugnay ng kasong pagpatay na kinakaharap nito at iba pang kapwa akusado.

    Bukod kay dating Mayor Ernesto Natividad, pinai-isyuhan din ng HDO ni Manila RTC Branch 8 Judge Felixberto Olalia sina Romeo Natividad, kapatid ng dating alkalde, Rommel Baying, Jenny Canlas, Jonathan Cartujano, Dalia Cruz, Romeo Daches, Jovert Dumlao, Frangelico Gerona, Elly Macariola, Dennis Matias, Crisanto Mateo, Ricardo Peralta, Sienna Quiambao, Gerardo Peratel, Lloyd Perez, Randy Puno at Lorenzo Rueda.

    Sila ay pawang akusado sa kasong pagpatay sa magkapatid na sina Ebertson Pascual at Erickson, mga anak ng kalaban sa pulitika ni Natividad na si Boy Pascual.

    Ang mga biktima ay nasa loob ng sabungan na pag-aari ng mga Pascual nang patayin umano ang mga ito noong 2006. 

    Naglaban ulit ang dalawa at nanalo si Natividad noong 2007.

    Iniutos ang paglalabas ng HDO kaalinsabay ng paglalabas ni Olalia ng warrant of arrest laban sa mga akusado.

    Bago pa ito, ipinag-utos ni Ombudsman Conchita Carpio-Morales ang pagsasampa ng kasong pagpatay sa mga akusado, isang pagbaligtad sa naunang utos ng Ombudsman na alisin ang magkapatid na Natividad at si Peralta sa mga akusado.

    Pinagtibay ni Morales ang mosyon na isinampa ni Cristina Pascual, ina ang magkapatid na biktima.

     Ang DOJ ay naunang nag-utos na sampahan ng kaso ang mga suspek noong 2009 at ipinasa ito sa tanggapan ng Ombudsman para sa pagsusuri.

    Noong Pebrero 10, 2009, ang Ombudsman ay nagpatibay sa kautusan ng Department of Justice subalit binaligtad ito noong Abril 8, 2009, at inalis ang magkapatid na Natividad at si Peralta sa listahan ng mga akusado.

    Ang mga pagtatangka ng media na makuha ang panig ni Natividad at mga kapwa akusado ay walang bunga hanggang sa kasalakuyan.

    Nauna nang itinaggi nina Natividad ang akusayon laban sa kanila.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here