Hazel Cabrera: Ipinakita ko ‘lahat’
    para sa solo movie kong ‘Lalamunan’

    1301
    0
    SHARE

    Bagamat’ kabilang sa original member ng sikat na all female group na “Viva Hotbabe” ay nakakaisa palang pelikula si Hazel Cabrera via “First Time” mula sa Viva Films.Kadalasan puro instructional sexy video siya naisalang ng Viva Films kung saan siya naka-kontrata.
    May pagkakataon na sumama ang loob niya sa home studio dahil ilang sexy stars na ang ni-launch pero hindi pa rin siya mabigyan ng solo picture…” Siyempre naiinggit din ako sa mga mga kasabayan ko na binibigyan nila ng break lalo na iyong mga baguhan na nauna pa sa akin na binigyan ng solo film.Siguro hindi pa ako ready sa tingin ng Viva o kaya hindi pa sila naniniwala sa aking talent pero naiintindihan ko sila…” himutok ni Hazel.

    Matagal na panahon ang hinintay ng sexy star hanggang sa dumating ang offer mula sa Leo Films isang sexy film na pagbibidahan niya katambal ang mga hunk actors na sina Jordan Herrera at Rico Barrera. Hindi nagdalawang isip ang dalaga na tanggapin ang offer lalo na ng mabasa niya ang script nito. Ginampanan niya ang papel ni Darla, isang singer sa club na battered wife ng kanyang bisexual husband ( Jordan Herrera) at nagkaroon ng affair sa isang EENT doctor ( Rico Barrera )…” Super bold po ang pelikula pero may katuturan naman kasi tinalakay nito ang isyu ng “marital rape” at homosexual “repression”.At hindi po baboy ang execution ni Direk Jigz…” pagmamalaki ng sexy star.

    Sa mga nakapanood ng advanced screening ng “Lalamunan”, walang pakundangan na nagbuyangyang si Hazel—as in walong beses siyang nag-frontal nudity at super haba ng mga eksena kaya tiyak na magpi-piyesta ang mga kalalakihan na makita ang kanyang private parts.Halos every ten minutes yata ay nakikipag-sex siya sa dalawang leading man. Hindi mapigilan ang dalaga talagang itinodo na niya ang pagpapakita ng lahat-lahat sa kanya…” Baka po kasi eto na ang first and last film break ko na ako ang bida kaya kahit “clitoris” ko ay pinasilip ko. Pero siyempre pinagbuti ko rin ang acting para hindi ako mapahiya. Atleast pagtanda ko-at pag tinanong ako ng mga apo ko kung nagkaroon ako ng pelikula na bida ay masasabi na ako at maipagmamalaki.Hindi ko ikakahiya na bold star ako. Ang importante pinagbuti ko ang pag-arte at ibinigay ko lang ang hinihingi ng role…” pagpapaliwanag ng viva hotbabe.

    Bukod sa paghuhubad ng sagad-sagaran, pinag-uusapan din ang pakikipag-relasyon niya sa isang nurse na tomboy…” Eversince po ay bukas na libro ang buhay ko.Totoo po na may ka-live in akong kapwa babae. Mahal na mahal ko po ‘yon.Siya po ang nagpatino sa akin.At sa kanya ko lang naramdaman ang tunay na pagmamahal na hindi ko nakita sa kahit sinung lalaki. Hindi po siya mayaman katulad ng ilang lalaki na naka-relasyon ko pero may respeto siya sa akin.Hindi katulad ng mga lalaki na naging boyfriend puro sama ng loob,pambabae at pambabastos ang ginagawa sa akin. Nagpapakatotoo lang po ako.Hindi ko sinasabi na pang-habambuhay pero masaya ako sa current relationship ko.Siya rin ang nagturo sa akin na mag-aral ng “caregiver” para may fall back akong trabaho pagdating ng araw na hindi na ako artista…”pagwawakas ng dalaga.

    Ang “Lalamunan” ay produced ni Cesar Aquino sa ilalim ng Leo Films. Executive Producer Shaleena C. Dy. Mula ito sa panulat at direksyon ni Jigz Recto.Bukod kay Hazel Cabrera, Jordan Herrera at Rico Barrera kasama rin sa pelikula ang bagong Viva Hotbabe na si Maricar dela Fuente at ang daring lead actor ng “Binyag” film na si Ran Domingo. May premiere night sa UP Film Institute sa November 13. Regular showing sa November 19 in selected theaters nationwide.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here