Hayden Koh, Vicki Belo magpapakasal na?

    436
    0
    SHARE
    Hanggang ngayon, di pa pala humuhupa ang galit ni Dr. Vicki Belo kay Katrina Halili base sa interview sa kanya ni Inay Cristy Fermin sa Paparazzi noong Linggo.

    Inamin ng Doctor to the Stars na talagang halos nasiraan din siya nu’ng panahong may pinagdaranan sila ni Hayden.  Pero bumabawi raw ngayon sa kanya ang nobyo. 

    “Sinabi ko nga kay Hayden, ‘pag  ginawa po pa uli sa akin ‘yun,  hindi  ko na kakayanin. Wala nang salita, split na tayo.”

    Sa tanong ni Tita Cristy kung kanino siya mas nagalit, kay Maricar  Reyes o kay Katrina Halili, prangkang sagot ni Dra. Vicki: “Hindi ako galit kay Maricar. Siya ang naging girlfriend ni Hayden.  Saka, mahal na mahal noon ni  Hayden si Maricar, kaya rin kami naging  close ni Hayden  dahil kaka-break lang niya noon kay Maricar.

    Take note, bagong angle yung revelation dahil hindi natin alam that even before Vicki Belo and Hayde were on, sina Maricar at Hayden na pala. In effect, puwedeng isiping naging dahilan si Belo para masira’ng relasyon nina Hayden at Maricar.

    We also came to know that before Katrina, may mga babae na palang nabiktima si Hayden. What we are saying is that, baka sobrang dami pa ng mga babaing taga-showbiz ang unang biniktima ni Haydeen bago sina Katrina at Maricar.

    Hindi kaya?

    “Si Katrina naman, we treated her like a baby sa Belo. I was really nice to her. Tapos biglang malalaman ko, si Hayden na pala ang bini- baby niya.”

    Ngayon daw lahat ay ginagawa ni Hayden para lang maibalik ang tiwala ulit ni Dra. Vicki sa kanya.

    Nu’ng  tanungin kung ano ang katangian ni Hayden  na minahal niya, aniya: “He’s funny,  hindi ba, nakakatawa  siya? He makes me  laugh!” 

    Dagdag pa ng doktora, maalaga raw  si Hayden at ginagawa nito ang lahat ng panunuyo sa kanya, kaya may balitang-balitang plano na nilang pagpapakasal.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here