Hayden Kho ‘di titigilan ni Senator Bong Revilla hangga’t di nakukulong

    444
    0
    SHARE
    Kahit maganda ang feedback sa Panbay, aminado si Sen. Bong Revilla na habang papalapit ang showing nito’y ninenerbyos siya dahil magaganda ang kasabay nitong pelikula sa Metro Manila Film Festival.

    Pero kampante si Sen. Bong na magugustuhan ng moviegoers ang pelikula.

    “Ibang Bong ang makikita ng tao rito, hindi si Bong kung ’di si Flavio ang makikita ninyo. Sa tulong ni Kuya Ipe (Phillip Salvador), lalo naming napaganda ang pelikula.  “Magugulat kayo, nang mapanood ko sa rushers, nangilabot ako dahil ’di ko akalaing lalabas na ganito kaganda ito.

    “Masasabi kong ito ang pinakamagandang movie ni Bong Revilla at dapat lang dahil tribute ko ito sa ninong kong si Fernando Poe Jr.,” wika ni Sen. Bong.

    Ayaw niya na may nega sa movie lalo’t nalalapit na ang showing, kaya kinausap daw niya pareho sina Direk Mac Alejandre at Rico Gutierrez na diumano’y nagkaroon ng conflict at pinatatakpan pa raw ni Direk Mac ang name ni Direk Rico sa poster.

    “Walang dapat pag-awayan dahil pareho ang hangad nila to deliver a good movie. Si Direk Mac ang captain of the ship, si Direk Rico ang in-charge sa visual arts.

    “Hindi lang sila nagkaintindihan. Ayos na sila, pareho silang magaling at walang sulutang nangyari.”

    Hindi nakaiwas si Bong na tanungin sa kaso ni Dr. Hayden Kho Jr. dahil nasulat na prinesyur niya ang PRC na alisan ng lisensya si Hayden dahil kung hindi, babawasan niya ang budget.

    “Hindi totoo ’yung pressure, may binitawan lang tayong salita na kung ’di nila gagawin nang tama ang trabaho nila, dapat silang bigyan ng one peso budget. I salute PRC for doing their job dahil mas maraming taong magwawala kung ’di nila ginawa nang tama ang trabaho nila.

    “Mabigat ang kaso ni Hayden at kung ’di siya aalisan ng license, they’re not doing their job. Mas mabigat pa ang haharapin niya sa korte, hinihintay na siya sa kulungan,” ani Sen. Bong.

    May reaction din ang senador sa pagdi-deny ng kampo ni Hayden na natagpuan siyang wala sa ayos sa Silang, Cavite.

    Sabi ni Sen. Bong: “He lied dahil kausap ko ang provincial director ng Cavite at siya na ang nagsabing may ganu’ng nangyari.

    “I have nothing personal against Hayden, pero sana, ’wag palabasing sinungaling ang mga kababayan ko sa Cavite.” 



    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here