LUNGSOD NG MALOLOS—Magkakaiba ang pananaw ng mga Bulakenyo sa ‘dramang pampulitika’ sa kapitolyo kung saan ay kapwa inaangkin nina Gob. Joselito Mendoza at dating Gob. Roberto Pagdanganan ang panalo sa halalan noong 2007.
Para sa Commission on Elections (Comelec), hindi pa pinal ang desisyon sa protestang isinampa ni Pagdanganan kay Mendoza; samantalang sinabi ng Liberal Party (LP) na mali ang desisyon ng Comelec en banc at nakahanda silang tulungan si Mendoza na kanilang kaalayado
Habang patuloy ang girian sa kampo nina Mendoza at Pagdanganan, patuloy naman sa pagsasagawa ng vigil o pagbabantay ang kanilang mga taga-suporta sa loob ng bakuran ng kapitolyo, ngunit nananatiling payapa ang magkabilang panig na ang nasa pagitan ay pulutong ng mga unipormadong pulis.
Batay sa pahayag ng mga Bulakenyong nakapanayam ng Punto, kabilang ang mga tumugon sa araw-araw na update ng “Mabuhay Newspaper” sa Facebook ang kaguluhan o dramang pampulitika sa kapitolyo ay patuloy na humahati sa pananaw ng sambayanang Bulakenyo.
Para sa mga taga-suportang nag-ipon sa harap ng kapitolyo, si Mendoza ang nagwagi sa halalan noong 2007.
Iginiit pa ni Mendoza at mga abogadong sina Carlo Jolette Fajardo at Enrique Dela Cruz na walang bisa ang inilabas na resolusyon ng Comelec en banc na kumatig sa naunang desisyon ng ikalawang dibisyon nito noong Disyembre 1.
Ang nasabing resolusyon ay nagpawalang bisa sa proklamasyon kay Mendoza noong 2007 at nag-atas sa kanya na bakantehin ang kapitolyo upang bigyan daan si Pagdanganan.
“Si Gob. Jonjon ang nanalo noong 2007,” ani Lourdes San Pedro, 66, isang residente ng barangay Bayabas sa bulubunduking bayan ng Doña Remedios Trinidad.
Kasama ni San Pedro ang ilang kapitbahay na nagtungo sa kapitolyo noong Martes ng umaga at ayon sa kanya, tinawagan sila ni Mendoza.
Gayunpaman, iginiit niya na sila ay boluntaryong nagtungo sa kapitolyo at pinabulaanan ang alegasyong binayaran sila.
Para naman sa mga taga-suporta ni Pagdanganan katulad nina Cris Clemente at Alberto Mariano ng Baliuag, Joey Mendoza ng Bocaue, at Raul De Guzman ng San Miguel, walang dudang si Pagdanganan ang nagwagi sa halalan noong 2007.
“Ito na ang simula ng wakas ng magkapatid na Josie at Jonjon,” ani Joey at iginiit na dapat igalang ni Gob. Mendoza ang hatol ng Comelec en banc.
Pinabulaanan din ni Joey ang akusasyon ng kampo ni Gob. Mendoza na na may halong pulitika ang hatol ng Comelec en banc sa protestang isinampa ni Pagdanganan.
“Ngayon ang panahon na kailangang-kailangan ng Comelec ang kredibilidad, ngayon pa ba naman sila magpapaimpluwensiya sa administrasyon ni Gloria,” ani Joey.
Nagpahayag din ang mga Bulakenyo ng kanilang pananaw hinggil sa drama sa kapitolyo sa pamamagitan ng mga pahina ng “Mabuhay Newspaper” sa Facebook kung saan ay inilathala ng Mabuhay ang mga pangunahing pangyayari sa kapitolyo bawat araw kasama ang mga larawan.
“Luto,” ani Gertrudes Sapitan, samantalang sinabi ni Janryll Fernandez na “walang karapatan ang mga impostor at mandaraya na manatili sa puwesto.”
Nagbigay naman ng payo si Jose Dennio: “Jonjon should step down peacefully and let Obet take over the position of governor. Tutal ilang buwan na lang din naman. Ang nakakapagtaka, bakit ba ayaw niya bitawan pa yan? may sikreto ba siyang itinatago na di dapat mabunyag na baka ilabas ni Obet? nagtatanong lang.”
Nagpahayag din sina Danilo Hilario, Lorie Maturingan, Norina Galacio, Wilbert Torres, at Camencita Faundo ng kanilang pananaw.
Ani Hilario, “I dont like the turn of events here at the provincial government of Bulacan… hope the situation will normalize soonest,” samantalang sinabi ni Torres na “hay pulitika talaga, alam ko lang si Obet ang nanalo.
Para kay Maturingan, “nakakatawa naman parang TV series na napapanuod ko sa TFC (The Filipino Channel), nag aagawan sa posisyon,, ano ba yung upuan na yan may ginto ba dyang naka baon? Sabagay magandang negosyo yan politika walang lugi kita mo me nandadaya me pumapatay dahil sa posisyon,..eto naman sa ‘tin sa Bulacan nagkakagulo naman dahil sa gintong upuan. “
Tinanong naman ni Faundo na, “what so special about that seat? Ano ba meron diyan? At bakit kung kailan malapit na ang elections eh saka nila inilabas ang result ng investigation. I think we should look into Comelec. Maybe re-org is a must. Bulacan is not an isolated case. We also have one in Pampanga and Visayas. If this will continue, chaos will be with our government. Parang trip to Jerusalem. Agawan ng upuan.”
Nagpahayag naman si Galacio ng pag-asa na maaayos din ang lahat at sinabi niya na dapat magkaisa ang mga Bulakenyo at maraming nagawang mabuti sa lalawigan si Mendoza.