Home Opinion Has AQ been given power of God?

Has AQ been given power of God?

909
0
SHARE

ITONG naging ‘viral’ sa tinatawag na
‘facebook ,’ (kabilang ang social at ‘tri-media’),
ang hinggil sa Pastor na ang hangi’y sobra,
umani ng di lang kakaunting intriga.

At ng pagbatikos din sa kapalaluan,
kung magpahayag ng imposibleng bagay
na gaya ng aniya’y kaya niyang utusan
pati ang lindol sa isang kumpas lamang.

Tulad ng tinuran nitong “Stop lindol!”
Sa akala ba ni Apollo Quiboloy,
paniniwalaan siya ng matinong
tao, na kaya nga niyang gawin iyon?

Di ko sinasabing may banto sa ulo
ang ‘talk-of- the-town’ na si pastor Apollo,
kaya niya nasabi ang bagay na ito,
pero di maganda ang dating sa tao.

Pagkat bilang pastor na tagapaghayag
nitong nilalaman ng Banal na Aklat,
marapat lamang na siya’y maging maingat
sa sinasalita upang di mapintas.

Ipagpalagay na nating kayang gawin
ni Quiboloy ang napaka-imposibleng
bagay na tanging Diyos lang ang maaaring
makagawa, bakit di agad pinigil?

At hinayaan pang itong kabuoan
halos ng Mindanao ay masalanta riyan
sa napakalakas na yugyog, kung tunay
ngang kaya niyang gawin ang naturang bagay?

Kung aniya’y isa lang na katagang “Stop”
ang lindol titigil, bakit di kaagad
pinahinto upang hindi mapahamak
ang binayo r’yan ng grabeng kalamidad?

At saka bakit ang malakas na bagyo
na palaging sa ‘tin nagdaraan dito,
di rin pigilin n’yan kung kaya nga nito
ang magpatigil ng anumang delubyo?

Kung talagang itong si Pastor Quiboloy,
‘appointed son’ nga ng ating Panginoong
(Diyos), ano’t itong problema sa ngayon
ng bansa di niya gawan ng solusyon?

Gaya kung paano niya mapahinto
ang korapsyon, at kanya ring mapatino
itong sa gobyerno natin namumuno,
na ang karamihan ay plastik ang puso.

At mas maigi na kay Quiboloy natin
iatang ang lahat ng mga tungkulin
na hawak ni Digong itong pangunahin,
pababa, nang makatipid sa gastusin.

Kasi, aanhin pa natin ang katulad
ng ipupuesto sa pinakamataas
na ‘seat of offi ce’ kung kaya rin lang lahat
nitong isang tao ang pamamalakad?

Na isang kumpas lang o ng pag-uutos
ay tatalima ang dagat at ang bundok
at itong iba pang dapat ay sumunod
kay Apollo, kaya’t medyo menos gastos.

At mahihinto na pati ang anumang
di kanaisnais at mapaminsalang
mga kalamidad sa isang kumpas lang
ay mapahinto r’yan ng nag-diyos-diyosan?!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here