Home Headlines Harana para sa retreat house

Harana para sa retreat house

243
0
SHARE

SAMAL, Bataan: May suot na malalapad na sombrero at bihis na tila mga binatang taring, nangharana ang isang grupo ng mga kalalakihan  sa ilang piling bahay sa tahimik na bayang ito  nitong Lunes ng gabi.

Pinangunahan ni Rev. Fr. Celso Dilig, kura paroko ng Iglesia Filipina Independiente sa ilalim ng  Parokya ng Sta. Catalina ng Siena ng Samal, Bataan, ang harana upang makalikom ng pondo sa pagpapagawa ng Retreat House sa Barangay Palili sa Samal.

“Bilang bahagi ng ating pagkakaisa at pagkalinga sa ating parokya, kami po ay magsasagawa ng isang harana – isang gabi ng musika, pagmamahalan at pagtutulungan. Sa pamamag-itan ng gawaing ito, inaasahan nating mapagtibay ang ating samahan at masimulan ang matagal na nating pinapangarap na lugar para sa tahimik na panalangin, pagninilay at pagpapanibago ng pananampalataya,” sabi ni Fr. Dilig. 

Ang nagsipagharana ay kabilang sa Samahan ng mga Kalalakihan ng IFI sa pangunguna ng Pangulo nitong si  Ronald Santos. (30)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here