Happy ending ng Wings of Love tatampukan ng JaDine

    573
    0
    SHARE
    PATULOY ang iringan at pagpapasiklaban nina Clark (James Reid) at Simon (Paulo Avelino) upang makuha ang atensyon ni Leah (Nadine Lustre) sa top-rating teleseryeng On the Wings of Love.

    Lalo pang tumitindi ang kumpetisyon nina Clark at Simon nang mag-showdown ang dalawa sa isang agaw-pansing karaoke session sa surprise birthday party para kay Leah.

    Mas lumala pa ang iringan ng magkaribal nang makita ni Clark na hinalikan ni Simon sa pisngi si Leah.

    Dahil dito, nag-alboroto si Clark at inilabas ang kanyang sama ng loob sa fi ancee. Sinabi rin ni Clark ang kutob niya na may pagtingin na si Simon kay Leah.

    Samantala, sa bagong teaser ng OTWOL ay may konting pasilip sa pagmamahalang Clark at Leah na parehong nagbalik sa San Francisco at mukhang magkaibang landas na ang tinatahak.

    Ipinakita rin sa trailer ang muling pagkikita nina Clark at Leah sa lugar kung saan sila unang nagtagpo pati ang kanilang magkahiwalay na pagbisita sa mga lugar sa San Francisco na malapit sa kanilang puso.

    Kaya naman ngayon pa lang ay marami na ang nalulungkot na JaDine fans dahil natatakot silang baka hindi magkakatuluyan sina Clark and Leah.

    Pero siyempre, everybody’s hoping for a happy ending sa ating dalawang bida kaya ’yan ang dapat nating abangan lahat.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here