Hanjin welder patay matapos masunog

    438
    0
    SHARE

    SUBIC, Zambales – Patay ang isang welder nang ito ay masunog matapos tangkain nitong apulahin ang nagliliyab na apoy ng gamit na cotton gloves sa kanilang pagwe- welding sa loob ng Hanjin Heavy Industries Company Ltd., sa Redondo Peninsula, Sitio Agusuhin, Barangay Cawag sa bayang ito.

    Kinilala ng pulisya ang biktimang si Bonifacio Palarca lll, 27, tubong Paniqui, Tarlac at pansamantalang nanunuluyan sa Purok 5, Barangay San Pablo, Castillejos, Zambales. Ayon sa ulat nagwe-welding ang biktima sa “peak tank” sa ginagawang barko ng matapunan ng baga mula sa welding machine ang cotton gloves na kanilang ginagamit na siyang dahilan para ito magliyab.

    Nabatid pa na sinikap ng mga kasamahan ng biktima na apulahin ang apoy sa pamamagitan ng fire extinguisher subalit hindi ito napatay. Ayon pa sa ulat tinangka ng biktima na patayin ang apoy sa pamamagitan ng pag-apak, subalit hindi nito nakayanan hanggang sa ito ay masunog.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here