Home Opinion Hanggang saan ang saklaw?

Hanggang saan ang saklaw?

899
0
SHARE

NANG pasimulan sa parteng San Agustin
(Tulauc,) San Simon itong ‘road widening.’
Na ayon sa ilang nakausap natin
Lahat ng sagabal ay dapat tanggalin.

Gaya ng tarpaulin na pangkubli lamang
Sa matinding init ng sikat ng araw,
Yan ay kabilang din sa pinagtatanggal
Kahit di istorbo sa mga ‘pedestrians’.

(May mga iskwater na pati ang rampa
Ay sinakop na ng naging puesto nila,
Kaya kadalasan sa mismong kalsada
Na nagdaraan kung minsan itong iba).

Kung ito’y isa nang ‘national road’ ngayon
Mula sa ‘McArthur highway’ ng San Simon
‘Down to Duyong up to famous Baliuag town,
The widening of said road is just and lawful’.

Na hayan, sa gawi r’yan ng Sto. Nino,
May mga ‘shanties’ at maliit na puesto
Sa gilid ng daan ang giniba rito,
Bilang pagsunod sa batas hinggil dito.

Buti na lang halos mga bakuran lang
Nitong ilan nating mga kabarangay
Ang naapektuhan nitong kautusan,
Na ang nagpatupad yata’y si Sec Villar?

Kung saan ang isyu nitong ‘road widening’
Ay nagresulta sa kababayan natin
Ng pagkabahala lalo sa maraming
Mga barangay ‘folks in terms of their dwellings’

Balita kasi ay luluwagan pati
Mga ‘barangay roads’ at damay d’yan pati
Ang mga bahay n’yan kung ang sinasabi
Ng ilang Kapitan ay hindi ‘kuryente’.

Na diumano itong mga tatamaan
Ng radius na mula sa sentro ng daan
Ay higit sa tatlong metro ang kailangan,
Tiyak halos lahat na’y maapektuhan.

Sa puntong ito ay may nakapagtanong
Kay ‘yours truly’ kung totoo nga itong
Balita, na pati ang kalsadang nayon
Ay kasama sa ‘road widening’ ni Digong.

Sabi ko, di kaya nag-‘over acting’ lang
Ang isyu hinggil sa ‘road widening’ na yan,
Na ikinumpara sa ka-Maynilaan
Itong mahigpit na pagpapatupad n’yan?

Na hayan, may mga punong barangay na
Itong nagsabi na magbibitiw sila,
Dahil sila ang tiyak na magkaproblema
Sa kabarangay n’yan oras gawin nila

Ang paggiba halimbawa sa bakod n’yan,
‘Terrace’ at/o kaya mismong kabahayan
Ng tahanang dugo’t pawis ang puhunan,
Bago naitayo ay sisirain lang?

Ang dagdag tugon ko sa ‘inquiry’ nila,
Baka naman ito’y sa Metro-Manila
Lamang ‘applicable’ at hindi kasama
Sa kautusang yan ang nasa probinsya.

Mga Mayors itong dapat magsikilos
At alamin n’yan kung pati ‘barangays roads’
Kabilang talaga sa ipinag-utos
Na luwangan para tayo makakilos

Tutulan ang isang bagay na di sukat
Isama sa ‘drastic’ na pagapatupad
Ng isang bagay na di karapat-dapat,
Na ipairal sa buong Pilipinas!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here