Home Opinion Hanggang kailan tayo paloloko?

Hanggang kailan tayo paloloko?

732
0
SHARE

SUBOK na natin kung gaano kahusay
gumawa ang Intsik ng pagkakitaan,
gaya r’yan ng pati ang pangkalusugan
ng tao, nakayang gawing hanapbuhay.

Sa kahit iligal na klaseng proseso
na masasabi kong sampal sa gobyerno
ang paggawa r’yan ng bagay na di wasto
basta kumita lang ang mga damuho.

Ito’y kaugnay ng isang pasilidad
na patagong ginawang ospital sa Clark
mismo ng mga ‘yan, na ayon sa ulat,
may ‘mini pharmacy’ itong kaakibat.

Na nasa loob ng ‘residential villa’
itong ospital na mayrung pitong kama
na palihim itong pagpatakbo nila,
sa kabila r’yan ng panganib na dala.

Liban sa nadakip, ay isang pasyente
ang natagpuan sa loob nito bale
sa ‘raid’ na ginawa ng ating PNP,
kamakailan lang o nitong Mayo beinte.

Ang patagong ginagamot sa ospital
ay mga Intsik din na hinihinalang
apektado na ng Covid na wala pang
bakunang pangontra sa kasalukuyan.

Nanggagamot sila at nagrereseta
kahit wala naman din silang lisensya,
kaya malinaw na nilalabag nila
ang batas sa tungki ng ilong ng masa.

Sapagkat hindi lang Intsik na kanilang
nagiging pasyente itong malalagay
sa disgrasya kundi pati kababayan
nating nakatira sa nasabing lugar.

Kung saan maaring itong ibang Intsik
na dinala riyan, nag-iwan ng kahit
katiting na ‘virus’ diyan sa paligid,
na madaling makahawa sa karatig.

Partikular d’yan sa mas nakararami
na kwenta turista lang ang pasaporte
at ngayon nga ay sa ‘online game’ yan pati,
nakapagtrabaho’t dito na pumirmi.

At kaya nga itong mga nagkasakit
ay di sa ospital na ‘private or public’
sila dinadala ng kapwa n’yan Intsik
dahil sa sila ay takot na madakip.

Kaya para sila ay di makilala
at maaresto sa pagtatago nila,
‘yan sa ospital na ‘peke’ dinadala
at napipilitang magpa- ‘admit’ sila.

Sa puntong naturan, na tayo ang siyang
apektado sa patagong katusuhan
nitong dito sa ‘tin nakipanuluyan,
itapon na dapat sa pinanggalingan.

Kaysa tayo itong sa gawang patago
Ng mga ‘yan dito, Pinoy ang maglaho
sa mundo nang dahil sa hindi malayo,
na sila na bukas ang dito mamuno!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here