Home Headlines Handog Para sa Distrito tuloy arangkada sa Ecija

Handog Para sa Distrito tuloy arangkada sa Ecija

737
0
SHARE

Personal na pinangugunahan ni Cong. Ria Vergara ang pamamahagi ng food packs sa ika-3 distrito ng Nueva Ecija. Contributed photo.


 

LUNGSOD NG CABANATUAN – Kaalinsabay ng pagsalubong sa Kapaskuhan, muling umarangkada ang ang pamamahagi ng food packs sa ilalim ng Handog Para sa Distrito ng pamilya nina Nueva Ecija 3rd Dist. Rep. Ria Vergara at Vice Mayor Jay Vergara.

Nitong Linggo ay mga residente ng Lungsod ng Palayan, partikular sa mga barangay ng Santolan, Ganaderia, Caballero, Mapait, Aulo, Doña Josefa, Langka, Maligaya, Bagong Buhay at Bo. Militar, ang nakatanggap ng timba na naglalaman ng mga sangkap para sa pangsalu-salo ng bawat pamilya tulad ng hotdog, spaghetti sauce, pasta, at maging bigas.

Ayon sa social media post ng tanggapan ni Cong. Vergara, ang Handog Para sa Distrito ay tradisyunal na isinasagawa sa pamamagitan ng personal na pondo ng pamilya Vergara.

“Hindi alintana ang malakas na ulan ay binisita ni Cong. Ria ang bawat ka-distrito at inalam ang kanilang kalagayan at mga pangangailangan,” ayon sa pahayag.

Layunin nito na “makapaghatid ng kalinga na lahat ay kasama at walang pinipili sa buong ikatlong distrito ng Nueva Ecija.”

“Lahat ng pamilya ay bininigyan. Walang pulitika rito,” ayon kay Laur Mayor Alexander Dauz.

Bukod sa Palayan City at Laur, kabilang sa ikatlong distrito ang lungsod na ito at mga munisipalidad ng Gabaldon, Bongabon, Gen. Natividad, at Santa Rosa.

 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here