Handa na ba tayo sa climate change?

    575
    0
    SHARE

    Mga kabalen, bilib ako sa Philippine Councilors’ League (PCL)! Natitiyak kong tapat ang hangarin nilang maglingkod – di lang sa kanilang mga siyudad – kundi bilang samahan na naglilingkod para sa sambayanang Pilipino.

    Kasama ko ang PCL sa pagdaos nila ng 1st Philippine City Councilors’ Summit sa Baguio Country Club kung saan nagsalita ako at nagbahagi ng impormasyon tungkol sa “Hamon ng Urbanisasyon sa Panganib ng Climate Change.”

    Bilang panimula, eto ang mensahe ng PCL:

    “Climate change is one of the most serious threats to sustainable development because of its adverse implications to our environment, human health, food security, economic activity, natural resources, and (our) physical structures.

    “The Philippines is vulnerable to the effects of climate change. It has 832 municipalities that are prone to rising sea levels.

    “There are a number of governance issues and matters concerning the capacity to respond effectively to the challenge of climate change adaptation.

    “Sadly, our understanding of the extent and consequences of climate change today and in the future is limited and has not been the subject of our work as legislators.

    “We believe that with adequate information, and with our joint action plans, we can significantly contribute in addressing climate change effects.”

    Ako po ay nagpahayag ng aking taos-pusong suporta sa kanilang kagustuhang gumawa ng agaran at kaukulang action plans sa kani-kanilang mga siyudad hinggil sa paghahanda sa mga panganib na pwedeng idulot ng climate change.

    Handang silang makipagtulungan sa Kongreso para sa sama-samang paghahanda. Handa na rin silang magsagawa local legislative at policy programs para ipatupad ang mga kanilang mga climate change adaptation action plans.

    Totoo. Hindi na pwede ang “business as usual” mentality.

    Ang paglilingkod ngayon ay nakatuon sa kahapon, ngayon, at bukas: mga pagbabago ng mga kamalian, pagharap sa mga kasalukuyang problema, at paghahanda para sa mga darating na problema (bukod sa population growth) gaya ng bagyo, lindol, mga epidemya, at ang pinaka-matindi, ang climate change, na binansagan na ng PAG-ASA bilang isang “creeping disaster.”

    Tulad ng nabanggit ko sa PCL, “Our preparation should cover all aspects of governance, from legislation and policy-making, to planning, budgeting, and implementation.”

    May kasabihan, sa mga krisis masusubukan ang husay sa pamamahala. Ngayon, sa panganib na naka-amba bunsod ng climate change, kailangan natin ang kagalingan at sipag ng bawat isa sa atin, mayaman man o mahirap.

    Samantala, eto ang ilang kaalaman at pagpapayo:

    Mahigit 62 % ng populasyon ay nakatira ngayon sa mga siyudad. Sa 2030, madaragdagan pa ito, at aabot na sa 76 %. At 88 naman sa 138 siyudad sa bansa ay nasa coastal areas kung saan ang naka-ambang panganib ay ang pagtaas ng sea level bunsod ng global warming.

    Pinipigilan ng climate change ang kakayahan ng mga siyudad para umusad ang pag-unlad.

    Ang mga siyudad – kung saan naka-sentro ang mga public utilities — ang pinaka-apektado sa climate change.
    Eto pa:

    Ang isang 1st class na siyudad naman ay less vulnerable sa climate change kumpara sa isang kalapit na  4th class municipality, dahil sa financial capability. Mas mabilis makaka-move on, wika nga, kung may pondo.

    At ang nakapaghandang LGU naman, tulad ng mga nakapagtatanim na ng mga climate change resilient crops, ay masasabing “less vulnerable” sa climate change.

    Mainam na tagurian ang climate change bilang isang development issue, at hindi isang environment issue lamang. Ito ang susi para sa angkop na paghahanda.

    Kailangan humanap ng pondo para sa climate change adaptation measures. Saan ba ito pwedeng hugutin?

    Saan at paano tayo pwedeng humingi ng pondo kung sakali?

    Ang sagot dito: Gumawa na ng mga climate adaptation action plans. Ang mga oportunidad upang magka-pondo ay unang darating sa mga may nakahanda nang mga action plans?

    Sa ngayon kasi medyo magulo ang climate finance governance sa ating bansa dahil ang pondo ay di napupunta sa lahat ng dapat puntahan.

    Upang maisa-ayos ito, kami ni Senate President Juan Ponce Enrile ay kapwa may panukalang batas na naglalayong maitatag ang People’s Survival Fund Bill, o kilala din bilang Depensa Bill.

    Depensa… dahil kailangang palakasin ang depensa sa climate change.

    Ang iminumungkahi ng Depensa Act of 2011 ay ang pagtatalaga ng financial stream na magbibigay ng insentibo sa mga LGU na gumawa –habang maaga pa – ng mga climate change action plans na makatutugon sa mga lokal na climate change vulnerabilities.

     Kaya lang, ang mga LGU na nakabuo ng mga climate change adaptation action plans ang mga kwalipikadong tatanggap ng pondo mula sa national government.

    Ang pondong  magpapatupad sa Depensa Act of 2011 ay maaaring manggaling sa cash dividend ng mga government-owned-and–controlled corporations (GOCC), motor vehicle users’ charge (MVUC), Clean Development Mechanism Project, ang mga donasyon mula sa mga United Nations bodies.

    Ang suporta ng PCL sa Depensa Bill ay magbibigay ng senyales sa Kongreso sa pangangailangan ng tulong ng mga LGU para sa local na paghahanda para sa climate change.

    Tandaan din natin na bahagi ng paghahanda ang tutoy-tuloy na pag-aaral at pagsisiyasat hinggil sa mga issue at kaalaman kaugnay ng proteksiyon ng kalikasan at pagtataguyod sa mga programang kalinisan at pangkalusugan.

    Marami pa tayong pagsubok na haharapin at hindi madali ang pagbubuo ng angkop na local climate change adaptation action plans.

    Maaari natin itong simulan sa pamamagitan ng mga resolusyong magbubunsod ng pagtatatag at pagpopondo ng mga LGU climate change adaptation adhoc bodies at ang mga ito na ang bubuo ng mga local action plans.

    Kumilos na tayo ngayon. Lamang ang handa sa nabigla!

    (Kung nais ninyong lumiham kay Cong. Erin, ipadala sa: Hon. Lorenzo R. Tañada III, Office of the Deputy Speaker, House of Representatives of the Philippines, Quezon City, o mag-email sa tanada.erin@gmail.com.)

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here