BULAKAN, Bulacan—Namumukod tangi ang mga katha ni Gat Marcelo H. Del Pilar at hindi pa ito napapantayan sa buong kasaysayan ng modernong panitikang Pilipino.
Ngunit nabasa mo ba ang mga katha ng dakilang propagandistang Bulakenyo?
Ito ang hamong binitiwan ni Santiago Gabionza, ang grandmaster ngFree and Accepted Masons of the Philippines noong Agosto 30 kaugnay ngpagdiriwang ng ika-162 kaarawan ni Del Pilar na mas kilala sa tawag na”Plaridel.”
Sa kanyang talumpating binasa sa nasabing araw ng pagdiriwang,nagpahayag si Gabionza ng pagtataka sa kawalan ng Bulakenyongnaninindigan sa mga katha ni Plaridel.
“Bakit walang Bulakenyo ang nagsasabi na ang mga katha ni Del Pilar,ang Dasalan at Tuksuhan, Ang Amain Namin, Aba Ginoong Barya at Aba Po Santa Barya ay namumukod tangi at hindi pa napantayan ng mga katha sabuong kasaysayan ng modernong panitikang Pilipino, isang tagumpay ngpanitikang Pilipino,” ani Gabionza.
Iginiit pa niya na, “Sapat nang mabasa ninyong lahat ang mga kathangito para masabing ‘Oo naganap na ang pagbabago.’”
Ayon pa kay Gabionza, si Plaridel ay nagmula sa pamilya ng makatangunit dalawang tula lamang ang kanyang naisulat.
Ito daw ay mas pinili ng bayani na “mag-ulat at isulat ang buhay sapayak na anyo ng sanaysay” na inilarawan niya na isang paglihis sa tradisyon ng pagtula ni Gat Francisco Balagtas.
Sa paglihis na ito, nilinaw ni Gabionza na “isang bagong daigdig angsukat na bumukas, mga diwang mahaharot at madudulas, mga salitangdiretso atmatatalas, ang kapatid na Plaridel ay maestro ng ng tudla otinatawag na estilong satiriko.”
Binigyang diin din niya ang impluwensiya ni Plaridel sa pagpapakilalakay Gat Jose Rizal sa masang Pilipino.
“Sa pamamagitan ni Plaridel nakilala ng masang Pilipino si Jose Rizal,sa kanyang talino panulat at talumpati, wari bang binautismuhan niyasi kapatid na Rizal sa lilim ng malaking puno dito sa makasaysayangbayanng Bulakan,” ani Gabionza.
Sinabi niya na mapapalad ang mga Bulakenyo sa pagkakamit ng isangbayaning katulad ni Plaridel na nagsimula ng unang himagsikan ngisipan laban sa kamangmangan sa bansa.
Nguniy nagpahayag siya ng kalungkutan at sinabing, “mantakin niyonoong panahon ng kadiliman at paniniil, mistulang paghihimagsik na anggusto nating pagbalbal ng banal.
Ngunit lalong malaking paghihimagsikpa na ang pagbalbal ng banal ay mainit pang tinanggap ng buongsambayanan sa malulutong na tawanan.”
Dagdag pa niya, “Samakatuwid, sa antas ng talino at isipan, hindi bagadito sa lalawigang Bulacan ang unang sigaw, este, unang tawanan nghimagsikan?
Lalo pa’t bukod tanging si Del Pilar lamang ang lantaranggumawa ng ganitong uri ng satiriko sa tamang kasaysayan sa tamangpambansang panitikan.”
Ayon pa sa talumpati ni Gabionza, “wala nang sumunod na manunulat saestilo tapang at talino ni Del Pilar, at sa kabila ng lahat, bakitatin pang itinatago sa halip na ilantad ang katangi tangi niyangkatha sa ating mga kabataan?”
Bukod dito, ipinagtaka rin niya kung bakit walang iskolar na nagdedeklara na ang unang himagsikan ng isipan mula sa kamangmangan atpananakop ay naganap sa Bulacan.