HAMON NG LAKAS-CMD-KAMPI KAY BLUEBOY:
    Sagutin ang mga isyu ng katiwalian sa Angeles

    354
    0
    SHARE
    “Kaysa magkunwaring sila ay inaapi, sana ay sagutin ni Nepomuceno ang mga lehitimong isyu laban sa kanya na ipinaparatang niya sa kanyang sarili sa pamamagitan ng naturang mga polyeto.”

    Ito ang naging hamon kahapon ni Atty. Dennis Pamintuan, opisyal na taga-pagsalita ng Lakas-CMD Kampi sa Angeles City, sa harap ng pamimilit ni Mayor Blueboy Nepomuceno at ng kaniyang City Administrator Mark Allen Sison na pawang “black propaganda” ang mga isyung nilalaman ng mga dokumentong diumano ay binalak ikalat sa lungsod sa pamamagitan ng Post Office.

    Matatandaan na noong Lunes ay nag-prescon si Sison upang ihayag na kanilang nasabat ang mahigit 150,000 na selyadong liham na naglalaman ng mga isyung laban sa administrasyon ni Nepomuceno. Bintang ni Sison na ito ay kagagawan ng kanilang katunggali sa pulitika.

    Pinilit namang tawagan ng Punto Central Luzon si Sison bandang 3:05 ng hapon noong Huwebes subalit hindi ito sumasagot. Muling tinawagan siya ngunit nakapatay na ang kanyang cellphone.

    Sa darating na halalan, tumatakbong alkalde sina Nepomuceno, dating Angeles Mayor at secretary Edgardo Pamintuan ng Lakas-CMD Kampi, at si Balibago Barangay Chairman Tony Mamac. Mariing pinabulaanan ni Pamintuan at Mamac na galing sa kanila ang mga nasabat na liham.

    Ayon kay Atty. Pamintuan, malaki ang kanilang hinala na galing mismo sa kampo ni Nepomuceno ang mga naturang liham upang maiwasang sagutin ang mga isyu ng katiwalian na kasalukuyang hinaharap ni Nepomuceno. 

    “Malinaw na sinadya na “madidiskubre” ang mga naturang polyeto.  Ang mga ito ay hayagang pinadaan sa Post Office ng Angeles City, na teritoryo’t bakuran ni Nepomuceno. Ang ibig sabihin, maaaring ang kampo ni Nepomuceno mismo ang gumawa nito upang magkaroon ng media mileage dahil kulelat sila sa survey.” sabi ni Atty. Pamintuan.

    “Ito ay isang istilo ng mga dirty tricks operator na unahang banatan nila mismo ang kanilang kandidato bago ito banatan ng mga kalaban.  Ito ay lumang taktika upang maiwasang sagutin ang mga lehitimong isyu at palabasin na sila ay kawawang biktima ng black propaganda,” dagdag ng tagapagsalita ng Lakas-Kampi CMD.

    Batay sa mga dokumentong inilabas mismo ni Sison sa kaniyang panayam sa media, narito ang 12 isyung nilalaman ng isang liham na binuklat ng kampo ni Nepomuceno:

    “Isa-isahin natin ang mga PAGNANAKAW at PANDARAMBONG na kagagawan ni Mayor Blueboy (word deleted) Nepomuceno at mga konsehales na kaalyado niya:

    1) 15 Milyong Piso ang hininging kotong para aprubahan ang pagtatayo ng Ayala Marquee. Sa sirkulo ng mga korporasyon ay pinaguusapan ito palagi at isang common knowledge.

    2) 25 Milyong Piso ang kotong mula sa Puregold para aprubahan ang lease ng San Nicolas Public Market Kinotongan pero hindi pinabayaran ng 6 buwan ang renta. Dati nang naka-lease ang San Nicolas Public Market pero pina-Iease ulit ni Kotong Blueboy. Kaya ngayon ay nakademanda si (word deleted) Blueboy sa Ombudsman at malapit ng masuspindi.

    3) 10 Milyong Piso hininging kotong sa Don Pepe Henson Enterprise na magtatayo sana ng gusaling pangnegosyo sa Pampanga market. Kung kaya’t umatras ang naturang korporasyon at minumura na ng mga negosyante ang mandarambong na Mayor Blueboy (word deleted).

    4) 10 Milyong Piso na monthlykotong sa Fields Avenue. Ito ang kanyang palabigasan sa ating syudad.

    5) 2.6 Milyong Piso kada buwan sa pag pap smear test ng mga entertainers. Pati ngamga maliliit na entertainers ay hindi pinatawad ang hinigan ng kotong. Talagang masiba!

    6) 5 Milyong Piso (Php5M) monthly kotong sa mga hotels, casinos, stores, restaurants. Talagang malupit! Walang pinatawad! Lahat hiningian!

    7) 3 Milyong Piso (Php3M) per month kotong sa jueteng. Dati itong Php2Milyon lamang pero pati ang komisyon na 15% ng mga kubrador ay binawasan ni (word deleted) Blueboy at naging 10% na lang. Ang 5% ay napunta na sa kanya! Sobrang gahaman at kapal ng mukha ng hayup na ito!.

    8) Pagbili ng apat na second hand motorcycle na binili ng tig 1.2 milyon pero ang tunay na halaga lamang ay 400 libong piso – triple ang patong! Halagang Php3.2Milyon ang kotong!

    9) 30 hanggang 40 porsyentong komisyon sa 50 milyong pisong halaga ng biniling baril at at sasakyan, o halagang 15 Milyong Piso hanggang 20 Milyong Piso ang kotong!

    10) 63 Milyong Piso (Php63M) utang sa paghahakot ng basura. Paano nangyari ito gayung ang mga barangay na ngayon ang naghahakot ng basura?

    11) 80 Milyong Piso (Php80M) ginastos sa pagbili ng 5 ektaryang lupa na gagawin daw sports complex pero ang halaga lamang ng lupa ay tig 5 milyong piso bawat ektarya o 25 milyong piso para sa buong 5 ektarya – 55 Milyong Piso agad ang kotong!

    12) Php800 Milyong Piso na inuutang para sa Sports Complex kung saan ang Php600 Milyon ay gagastusin daw sa construction (kalahati dito 0 Php300Milyon ang ibubulsa nila) at Php200-Milyon ang ipambabayad sa ibang utang.”

    Hinamon din Atty. Pamintuan si Sison, bilang isang opisyal ng pamahalaan, upang ipaliwanag ang kaniyang marangyang pamumuhay gaya ng pagmamay-ari ng isang mansion sa exclusive subdivision sa Angeles at ng herera ng mga mamahaling luxury vehicles.


    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here