Home Headlines Halos P1-M na dapat ideposito, tinangay ng empleyado ng banko

Halos P1-M na dapat ideposito, tinangay ng empleyado ng banko

687
0
SHARE

LUNGSOD NG CABANATUAN — Nahaharap ngayon sa kaso ang isang kawani ng
banko sa San Jose City matapos na di-umano'y tangayin nito ang halos P1 milyon
na dapat ideposito sa Government Service Insurance System.

Ayon sa pulisya, kasong qualified theft ang inihahanda laban kay Norman
Talplacido, 33, residente ng Barangay Calaocan, San Jose City at sales associate ng
City Savings Bank ng naturang lungsod.

Sa ulat ng pulisya, nagtungo sa Cabanatuan City police station nitong Lunes ang
isang Jocel Tiangco,38, branch business head ng banko at residente ng siyidad na
ito upang iulat ang insidente.

Sinabi umano ni Tiangco sa imbestigador na bandang alas-2 ng hapon nitong June
10 nang atasan si Talplacido na ideposito sa GSIS Cabanatuan Branch ang
halagang P918, 894. 82.

Pang-"buy out" sana sa loan ng tatlo nilang kliyente ang halagang ito, ayon pa sa ulat.
“Instead of depositing the same, Mr. Norman T. Talplacido took and carted the
said amount and until this date, he could not be contacted and his whereabouts
could not be located,” anito.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here