Halos 500 kalabaw nagsiluhod

    406
    0
    SHARE
    PULILAN, Bulacan – Hindi lamang ang mga tao ang dumagsa sa naturang bayan noong Huwebes kundi maging ang mga kalabaw para sa kapistahan ni San Isidro Labrador at sama-samang nagbigay pugay sa biyaya ng pagtatanim.

    Taon-taon ay ipinaparada sa Barangay Poblacion ng Pulilan ang pagparada sa mga kalabaw sa harapan ng simbahan at doon ay lumuluhod ang mga kalabaw.

    Tinatayang aabot sa 500 kalabaw ang ipinarada kanina sa ika-82nd taon ng naturang selebrasyon.

    Ayon kay Santi Santos, tourism officer sa bayan ng Pulilan, isang kalabaw ang nagwala sa selebrasyon at isang matandang babae ang bahagyang nasugatan. Agad siyang dinala sa pagamutan at nasa ligtas naman umanong kalagayan.

    Aniya, posibleng nainis ang naturang kalabaw dahil sa dami ng mga taong nanonood sa paligid nito na nagsisigawan dahil sa kasiyahan.

    Ayon naman sa kasaysayan, ang pagpapaluhod sa mga kalabaw ay ang paraan ng pagpapasalamat ng mga magsasaka kay San Isidro Labrador para sa biyaya ng masaganang ani ng nakaraang taon.

    Si San Isidro Labrador ang kinikilalang patron saint ng mga magsasaka.


    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here