HAGONOY, Bulacan—Inihalintulad sa isang “mock elections” ng mga botante sa unang distrito ng lalawigan ang isinagawang halalan sa pagka-kongresista nitong Lunes, Mayo 10.
Kaugnay nito, naiproklama na ang mga halal na kongresista sa ibat-ibang distrito ng Bulacan noong Miyerkoles ng gabi, Mayo 12.
Inilarawan ng mga botante sa unang distrito na isang “mock election” ang isinagawang halalan para sa pagka-kongresista dahil matapos silang bumoto sa pamamagitan ng pagkukulay sa bilog na hugis itlog sa tapat ng pangalan ng paboritong kandidato sa pagka-kongresista ay walang iprinoklamang nagwagi ang Provincial Board of Canvassers (PBOC).
“Hindi pala counted yung boto namin sa Congressman, eh, di mock election yun,” ani Crispin Inocencio ng Barangay San Sebastian sa bayang ito.
Ngunit para kay Abogado Sabino Mejarito, ang provincial election supervisor sa Bulacan, hindi isang “mock election” ang isinagawa sa unang distrito ng Bulacan.
Sa halip ay inilarawan niya itong “survey” ng mga kandidato upang matukoy kung saang barangay sila mahina at malakas.
Batay sa di opisyal na bilang na isinagawa ng Kapisanan ng mg Brodkaster sa Pilipinas (KBP), nakaipon ng botong 113,039 ang releksyunistang si Kint. Marivic Alvarado samantalang si dating Gob. Roberto Pagdanganan ay nakaipon lamang ng 44,601 boto para sa pagka-kongresista ng unang distrito.
Sa Lone District ng Malolos, umabot sa 31,786 ang botong naipon ni Mayor Danilo Domingo ng Liberal Party samantalang si Francisco Aniag ng Puwersa ng Masang Pilipino (PMP) ay nakakuha ng botong 17,395.
Ang mga indipendienteng kandidato na sina Francisco Cruz at Tomas Valencia ay nakaipon ng botong 2,127 at 1,398 ayon sa pagkakasunod.
Ngunit, walang iprinoklamang nagwagi sa halalan sa dalawang distrito dahil sa muling pag-iisahin ito at magsasagawa ng isang special elections na hanggang ngayon ay di pa tiyak kung kailan isasagawa.
Ang muling pagbabalik ng Malolos sa mga bayang bumubuo sa unang distrito ay iniutos ng Korte Suprema matapos nitong ibasura ang batas na pinagtibay ng Kongreso sa paglikha ng Lone District ng Malolos na naghiwalay sa Lungsod sa mga bayan ng Hagonoy, Paombong, Pulilan, Bulakan at Calumpit na bumubuo sa unang unang distrito.
Samantala, naiproklama na ang mga halal na kongresista sa ibang distrito ng Bulacan.
Sa ikalawang distrito, iprinoklama si Pedro Pancho na nakakuha ng kabuuang botong 145,133 kumpara sa pinakamalapit na katunggaling si Ambrosio Cruz (118,489) na dating alkalde ng Guiguinto.
Sa ikatlong distrito, tinalo ni incumbent Gov. Joselito Mendoza ang mag-amang katunggali na sina Ricardo “Tata Carding” Silverio Sr., na kasalukuyang alkalde ng San Rafael; at Ricardo “Ricky” Silverio Jr.
Si Mendoza ay nakaipon na ng botong 121,576; samantalang si Tata Carding ay may botong 92,951. Si Ricky ay nakaipon lamang ng botong 6,241.
Sa ika-apat na distrito, itinala ng baguhang si Linabelle Villarica ang pinakamataas na bilang na boto na natanggap ng isang halal na kongresista sa Bulacan ng makaipon siya ng kabuuang botong 178,643.
Sa Lone District ng Lungsod ng San Jose Del Monte, inilampaso rin ng reeleksyunistang kongresista na si Arthur Robes ang kanyang mga katunggali.
Batay sa di opisyal na tala ng KBP noong Huwebes ng umaga, Mayo 13, naitala ni Robes ang botong 94,859, kumpara sa botong 18,618 na naipon ng kanyang pinsang si Oscar Robes; at ng mga indipendienteng sina Jesus Gonzales (1,205) at Rene Avellanosa (701).