Home Headlines H2H campaigning para kay Leni arangkada sa NE

H2H campaigning para kay Leni arangkada sa NE

875
0
SHARE

Matiyagang ipinaliliwanag ni Atty. Joel Santos ng Lawyers for Leni sa isang manggagawa sa San Jose City public market ang plataporma ni Vice Pres. Leni Robredo bilang kandidato sa pagkapangulo. Kuha ni Armand Galang


 

LUNGSOD NG SAN JOSE — Sa gitna ng matinding init na panahon ay tinahak ng ilang abogado mula sa grupong Lawyers for Leni, mga kabataan, kababaihan, 1Sambayan, at iba pang volunteer groups ang public market ng lungsod na ito para sa malawakang house-to-house (H2H) campaign para sa presidential bid ni Vice Pres. Leni Robredo nitong Sabado.

Nagbahay-bahay rin ang mga volunteer sa pamimigay ng leaflets at pagkakabit mg posters sa mga tumatanggap na sambahayan sa bawat lansangan at eskinita ng Barangay Abar 1st dito.

Binabaybay ng mga kabataan at iba pang volunteers ang mga lansangan sa San Jose City para sa H2H campaign. Kuha ni Armand Galang

Ayon kay Atty. Joel Santos, isa sa mga nanguna sa H2H campaign, nakikita nila ang kahalagahan ng tao-sa-taong pangangampanya upang labanan amg mga fake news na laganap sa social media.

“Kasi po unang nalaman namin, realization, sobrang babad na po sa fake news ang mga tao. Kailangan na po talaga nilang makausap ng personal,” saad ni Santos.

Sadya raw silang maglalaan ng bawat bakantemg oras upang ipakilala nang diretso kung ano talaga yung mga plataporma ni Robredo sa mga botante.

“Kung bakit siya ang pinakamagandang maging pangulo lalo na ngayon sa panahon na pandemic po tayo. Nakita po naman natin ang response ng Office of the Vice President, unang-una siya na rumisponde sa pangangailangan ng mga frontliners,” ayon pa sa abogado.

Ikinasiya ng grupo ang hayagang interes sa mga residente na makinig sa kanila kung saan may kusang humihingi at nagpapakabit pa ng posters sa kanilang bakuran.

Ngunit bukas rin aniya sila sa diretsang pagsasabi ng ilan na mayroon na silang ibang nagugustuhan.

“Kagaya po ng policy ni Ma’am Leni, hindi po kami namimili. Kung sino po yung bukas ang isip na pakinggan kami o kaya mayroon na silang nadesisyunan na ibang kandidato para sa kanila, ipinapakilala sa kanila. Baka po puwedeng pag-isipan pa nila,” dagdag ni Santos.

Nagkakabit ng poster ang volunteer sa sambahayan na kusang nagpapalagay nito. Contributed photo.

Batay, aniya, sa karanasan sa Nueva Ecija simula nang kanilang ilunsad ang adbokasiya ay patuloy silang dumarami, kabilang na sa hanay ng mga abogado.

Kabilang ang mga kabataan na sina Vanessa at Dominic, kapwa residente ng lungsod na ito, sa mga nakaranas ng pambabatikos o na-bash dahil sa kanilang pangangampanya para kay Robredo.

Ngunit hindi raw sila kalian man nakipagtalo at sa halip ay determinadong itinutuloy ang H2H campaign.

“Before po talaga ay gusto naming sumagot. Pero pag ginawa namin yun, hindi ba po nire-represent namin si VP Leni, pag ginawa naming sumagot ay para na rin naming binastos si VP Leni,” sabi ni Vanessa.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here