Guwardiya nabagsakan ng marmol, patay

    519
    0
    SHARE
    LUNGSOD NG MALOLOS – Pisak ang isang guwardiya sa minahan sa bulubunduking bayan ng Donya Remedios Trinidad (DRT), Bulacan matapos mabagsakan ng malaking tipak na marmol kamakailan.

    Ang biktima ay nakilalang si Edison Asijo y Catubad, 34, may asawa, tubong  Barangay Hanhan, Kalinga Apayao, at kasalukuyang nakatira sa Sitio Parungao, Barangay Sapang Bulak, DRT, Bulacan.

    Si Asijo ay sinasabing guwadiya sa isang minahan sa Barangay Kalawakan, DRT na pag-aari ng isang pulitiko.

    Ayon sa mga saksi, papunta ang biktima sa minahan ng pulitiko kasama ang dalawa pang guwardiya ng mabagsakan ng malaking tipak na marmol at namatay noon din.

    Sinabi pa ng mga saksi na ang dalawang kasama ng biktima ay nakatakbo at nakaiwas sa malaking tipak na marmol na gumuho mula sa bundok.

    Batay sa tala ng Department of Environment and Natural Resources (DENR), ang kabundukan ng DRT sa bahagi ng Barangay Kalawakan ay mayaman sa mga marmol kabilang ang mamamahaling tea rose marble.

    Ayon naman sa isang dating quarry operator, halos maputol ang ulo at mga kamay ng biktima ng madaganan ng tipak ng marmol.

    Tahimik naman ng pamahalaang bayan ng DRT hinggil sa nasabing insidente.


    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here