Guwapo, pero bading na aktor gusto nang magladlad

    323
    0
    SHARE

    Isang very reliable source ang kumumpirma sa amin na bading ang isang sumisikat na young actor and in fact, gusto na nga raw nitong magladlad one of these days.

    Ang nasabing source ay gay din at kaibigan niya ang young actor na ito. Aniya ay nahihirapan na nga raw ang friend niyang ito na itago ang tunay na katauhan at plano nang mag-out.

    ’Yun nga lang, hindi namin alam kung maitutuloy ng young actor ang planong mag-out dahil for sure ay hindi naman siya papayagan ng network na kinabibilangan niya at siyang namamahala ng kanyang career lalo pa nga’t nagkakapangalan na siya ngayon.

    Bagama’t medyo malamya nga ang kilos ng young actor, hindi maitatangging marunong siyang umarte at gwapo pa kaya hindi kami nagtataka na nabibigyan naman siya ng magagandang project ng kanyang home network.

    Pero nakakaawa rin naman siya kung hindi siya makakapag-out dahil for sure ay hindi siya magiging masaya hanggang itinatago niya ang tunay niyang katauhan.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here