Tinawagan kami noong isang araw ng dating sexy actress na si Isadora. Si Isadora ay sumikat noong kanyang kapanahunan sa huling bahagi ng 80s. Nagkaroon ng kaunting pangalan, kinilala rin ito sa larangan ng acting having been nominated in some award-giving bodies. Pero maagang nawala sa eksena si Isadora na tuluyang nawala sa sirkulasyon.
Ngayon nga, dahil maganda pa rin kahit medyo mataba na, gusto raw magbangong muli ni Isadora sa eksena. Bukod sa main, tinawagan din ni Isadora ang iba pa niyang mga kaibigang reporter para magpatulong.
Kumbaga, gusto bumangon ng bangkay. Hahaha!
Anyway, gusto ring bumangon ng bangkay ng si Pia Moran.
Sa isang interview, nagpahayag si Pia na gusto talaga niyang makabalik sa showbiz.
Nakabalik na noon sa showbiz ang dating sexy actress na si Pia Moran.
Yes. Nakasama pa naming siya sa isang stage play and we must say na napakagaling niyang aktres.
Pero muli siyang nawala nang magpa-rehab siya ng anim na buwan noong nakaraang taon.
Sa muli niyang pagbabalik, nais ulit ni Pia na mabigyan ng pagkakataon.
“Basta ako, naghihintay lang ako ng trabaho at sana bigyan uli ako ng panibagong chance. Gusto ko uling umarte, gusto ko lang magtrabaho,” sabi ni Pia.
Aminado ang aktres na nanghinayang siya sa mahabang panahon na wala siyang trabaho.
Ayon kay Pia, ang kawalan ng trabaho at ang nangyaring pagkadisporma ng mukha ang mga rason kung bakit siya nalulong sa pinagbabawal na gamot.
“Ang tagal-tagal ko na rin kasing walang project kaya ayun, na-depress na naman ako. Siyempre, iba yung may trabaho ka, may pinagkakaabalahan ka, saka may sense of fulfillment ka. Tapos yung nangyari pa sa face ko,” saad ni Pia, na ang tinutukoy ay ang peklat sa kanyang mukha matapos siyang magpaopera dulot ng isang car accident noong 1987.”Ako, ayoko ng bumalik sa drugs,” patuloy ni Pia. “Kaya lang naman nangyari yun dahil sa kalungkutan, sa nangyari sa mukha ko. Malaki ang naging epekto nito sa akin.
”Pero siyempre, hindi na rin ito mababalik, 47 na ako. Hindi na mababalik yung dating Pia Moran.”
Habang walang trabaho ay abala si Pia sa pag-aalaga ng isang pamangkin na may cerebral palsy at sa kanyang ina na 71 years old na ngayon.
“Nakaipon naman ako, nakabili ako ng bahay, napag-aral ko ang mga kapatid ko,” banggit pa niya.