Home Headlines Guro suot Encantadia bilang pang-akit sa pagtuturo

Guro suot Encantadia bilang pang-akit sa pagtuturo

1081
0
SHARE

Grade 4 teacher Lorena Dela Cruz suot ang Encantadia costume. Kuha ni Ernie Esconde



LIMAY, Bataan
Hinimok ng isang guro ang kanyang kapwa guro na gumawa ng paraan upang makuha ang loob ng mga magulang para ipagpatuloy ng mga bata ang kanilang pag-aaral sa panahon ng pandemic sa sistemang itinakda ng Kagawaran ng Edukasyon.

Sinabi ni Lorena Dela Cruz, 48, guro sa Grade 4 ng Lamao Elementary School sa bayang ito, na ang trabaho nila bilang guro ay sobrang dami, napakahirap at nakaka-stress lalo na sa panahon ngayon ng coronavirus disease.

Isa sa paraang naisip niya umano noong magsimula ang remote enrollment ay ang magsuot ng costume ng mga Sangre sa teleseryeng Encantadia.

“Ito’y para makahikayat sa mga bata at magulangpangpa-goodvibes at pagbibigay na rin ng inspirasyon sa iba pang mga guro para gumaan ang trabaho sa araw-araw,” sabi ni Dela Cruz.

Siya umano ay 12 taon nang guro at nasubaybayan niya noon ang sikat na teleserye.

“Nagtuturo na ako nang magsimula ang Encantadia. Talagang ipinapasok ko ito sa mga lesson ko kasi may nakukuhang mabuting aral sa palabas na ito,” sabi ng guro.

Tungkol sa sistema ng pagtuturo ngayong may pandemya, mas gusto raw ng mga magulang ay modular dahil hindi lahat may gadgets.

“Sa ngayon work from home pa kami. Hindi pa kami pwedeng pumunta sa school kaya lahat ng trabaho dito namin ginagawa sa bahay,” sabi pa ni Dela Cruz.

“Sa lahat ng mag-aaral at mga magulang, sana patuloy nating suportahan ang mga anak natin para naman hindi maging hadlang ang pandemic na dinadanas natin. Patuloy pa rin turuan sa bahay at gabayan dahil ito ay magagamit nila pagdating ng araw sa hamon ng buhay, dagdag nito.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here