Home Headlines Guro huli sa panghihipo, panghahalik sa pupil

Guro huli sa panghihipo, panghahalik sa pupil

1064
0
SHARE

HERMOSA, Bataan — Nahaharap sa kasong acts of lasciviousness ang isang guro sa isang elementary school sa isang upland village dito matapos itong isumbong ng isang 10-taong gulang niyang tinuturuan ng panghihipo at panghahalik sa paaralan Lunes ng hapon.

Ayon kay Police Major Jeff rey Onde, Hermosa police chief, dinakip at dinala ngayong Martes for inquest sa Bataan prosecutor’s offi ce sa Balanga City ang 45- taong gulang na Grade 5 teacher ng Bacong Elementary School.

“Makulong po,” sagot ng bata habang umiiyak sa tanong kung ano ang gusto niyang mangyari sa Sir niya.

Ayon sa ina, umuwi ang anak mula sa paaralan sa kanilang bahay na ilang metro lamang ang layo bandang alas-3 ng hapon na umiiyak at nagsumbong: “Sabi ng anak ko: ‘si Sir po hinalikan ako sa labi saka hinawakan ang pekpek ko’.”

Pangalawang anak sa tatlong magkakapatid ang biktima ng mag-asawang parehong 31-taong gulang. Ang ama ay isang welder samantalang ang ina ay sa bahay lamang.

Ginawa umano ang kahalayan ng teacher na naghihintay sa loob ng comfort room ng kanilang classroom pagbalik ng bata matapos itong utusang umigib ng tubig sa kabilang silid-aralan.

“Pagbalik ng anak ko, nakaigib na, doon niya ginawa ang kababuyan niya sa anak ko. Nang papaigibin ulit, tumakbo na anak ko, umuwi at nagsumbong sa akin,” paliwanag ng ina.

Napag-alaman daw niya na pangalawa na pala itong ginawa ng teacher sa anak nang magsumbong sa kanya ang isang kaklase nitong Lunes. Noong una raw ay hinalikan sa labi ang anak ngunit hindi na ito nagsumbong.

“Ayoko nang maulit yan sa iba kaya gusto ko maaksiyunan nang magtanda ang teacher. Gusto ko lang mabigyan ng hustisya ang ginawa sa anak ko. Masakit sa aming mag-asawa ang ginawa ng teacher,” patuloy ng ina.

Matindi, aniyang, trauma ang inabot ng anak at panay ang iyak at nanginginig ang katawan.

“Babae ang anak ko. Hindi pwedeng sorry lang gagawin niya. Kung papatawarin namin ng ganon-ganon lang siya, paano kung ulitin pa niya sa iba. Baka sa susunod iba pa mangyari,” sabi ng ina.

Nanawagan siya na kung meron pang ibang mga batang minolestiya ang teacher ay magsumbong din: “Kung sinoman nagawan pa ng kahalayan, kababuyan ng teacher nila, magreklamo rin para mabigyan din ng dapat na kaparusahan. Iba dinadalang trauma ng anak ko.”

Tumangging magsalita ang suspek.

“Kasong acts oflLasciviousness in relation to Republic Act 7610 ang hinaharap ng guro,”sabi ni Onde.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here