Ayon sa ulat, sakay ang mga suspek ng kulay itim na Mitsubishi Delica Van na may plakang RAC 680 at armado ng mga baril nang bigla na lamang tutukan ng mga ito ng baril sina Philippine Army PFC Junky Hidalgo at PFC Jonald Lintac na kasalukuyang nagsasagawa noon ng
“Peace and Development Operations.” Tinangay ng mga suspek ang .45 na baril ni Hidalgo at mabilis na tumakas.
Mabilis namang rumesponde ang kapulisan at kasundaluhan at tinugis ang mga suspek kung saan nagkaroon ng palitan ng putok.
Nagresulta ang engkwentro na ito sa pagkamatay ng suspek na si Uclaray habang nakatakas nga si alyas Bunso at isa pa nitong kasamahan. Narekober sa crime scene ang isang .45 PT 1911 Taurus pistol na may serial number NDP0517 na pag-aari ni Philippine Army PFC Hidalgo, isang UZI machine pistol, mga bala mula sa .9mm at M16 rifle.
Narekober din ang getaway vehicle ng mga suspek na Delica Van.
Patuloy pa rin ang imbestigasyon ng mga otoridad hinggil sa insidente at pagtugis sa mga nakatakas na suspek.