Gun Ban sa Zambales at Olongapo

    623
    0
    SHARE

    IBA, ZAMBALES – Pormal ng ideneklara ng Commission on Election (COMELEC) ang Gun Ban sa 13 bayan ng Zambales kasama ang lungsod ng Olongapo dahil sa gaganaping special election ng Representative sa ikalawang distrito ng Zambales sa February 4, 2012.

    Ayon kay Provincial Election Supervisor, Atty. Elaiza S. Sabile-David ang Gun Ban ay nagsimula pa noong December 21, 2011 at magtatapos ito sa February 14, 2012.

    Ayong kay Atty. David magpapalabas ito ng memo sa lahat ng Chief of Police sa siyudad at lalawigan para sa agarang implementasyon ng nasabing kautusan.

    Itinakda naman COMELEC sa January 16 hanggang 18 ang filing of candidacy at mula January 19 hanggang February 2 ang campaigned period sa mga tumatakbong representative.

    Lima sa mga kandidadto ang siyang maglalaban-laban sa pagaka-Representaive sa ikalawang distrito ng Zambales kapalit ng yumaong Congressman Antonio Diaz.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here