Home Headlines Gulayan sa Barangay sa Mariveles 2nd place sa Bataan

Gulayan sa Barangay sa Mariveles 2nd place sa Bataan

771
0
SHARE
Barangay Alion chairman Marcialito Balan sa kanilang Gulayan sa Barangay. Contributed photo

MARIVELES, Bataan — Isang upland barangay sa bayang ito ang nakasungkit ng ikalawang puwesto sa Bataan sa ginanap na paligsahan sa programang “Gulayan sa Barangay” ng Department of Agriculture.

Ibinalita ngayong Huwebes  ni punong barangay Marcialito Balan na ang Barangay Alion bilang kinatawan ng Mariveles ang nadeklarang No. 2 winner sa lalawigan. 

“Ang layunin ng programang ito ay itaguyod ang organic farming sa mga residente ng barangay para sa mas ligtas na produktong gulay kumpara sa nabibili sa mga pamilihan na karaniwan ay sagad sa mga insecticide at commercial fertilizer,” sabi ni Balan. 

“Ito’y naglalayon ding mabuksan ang kamalayan ng mga residente upang mahimok sa pagtatanim sa kanilang mga bakuran,” dagdag ng barangay chairman.

Sinabi ni Balan na nakakuha ng puwesto ang Alion dahil sa sipag na ipinamalas ng mga barangay Tanod, staff ng barangay at mga kagawad at sa kooperasyon ng mga residente. 

Ayon kay provincial agriculturist Joey Dizon, ang Barangay Camacho sa Balanga City ang nagkamit ng unang puwesto sa lalawigan at ito ang kumakatawan sa Bataan sa regional competition. Sa ngayon, aniya, ay patuloy pa ang validation sa kung aling barangay sa Region 3 ang tatanghaling regional winner. 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here