Home Headlines Grupo ng kandidato sa Zambales nagpasalamat sa media

Grupo ng kandidato sa Zambales nagpasalamat sa media

846
0
SHARE

“Big chance with big change in Olongapo,” ani Arnold Vegafria sa kanyang pasasalamat sa media. Kuha ni Johnny Reblando


 

SUBIC BAY FREEPORT – Taliwas sa mga kalakaran ng ibang mga kandidato na puro batikos sa mga miyembro ng media, isang grupo ng mga kandidato ang nagbigay ng pasasalamat sa mga media ng Bataan, Zambales, at Olongapo City nitong Huwebes.

Pinangunahan nina Mitos Magsaysay, tumatakbo sa pagka representante ng 1st District ng Zambales; Arnold Vegafria, kandidatong mayor ng Olongapo City; at kandidatong vice mayor Lester Nadong; ang thanksgiving sa Segara Hotel sa loob ng freeport.

Binigyang halaga ni Vegafria ang papel na ginagampanan ng media sa mga pamayanan at inalala niya na ang media ang una nitong kinausap nang balakin niyang kumandidato at kasangguni hanggang sa magsumite ito ng kanyang kandidatura sa Olongapo City, hanggang sa panahon ng pangangampanya.

Pahayag ni Vegafria, batay sa kanilang ginawang general survey bago mag-election malaki ang chance ng kanilang panalo, kasunod ng pagsasabing “I have a big chance with a big change in Olongapo.”

Hamon naman ni Mitos Magsaysay sa mga botante: “Bakit hindi niyo muling subukan kami sa loob ng tatlong taon at makikita nyo ang pagbabago sa Olongapo.”

“We do much better now,” dugtong pa nito.

Makakalaban ni Magsaysay si Vice Governor Jay Khonghun sa 1st cpngressional district ng Zambales.

Sa pagka-alkalde naman ng Olongapo City, makakatunggali ni Vegafria sina incumbent Mayor Rolen Paulino, Jr, Eche Ponge , at dating Zambales Vice Governor Ann Marie Gordon, ang asawa ng yumaong dating mayor at congressman James “Bong” Gordon, Jr.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here