SA TUWING sasagi sa pagod kong isip
itong ‘Nephrologists, na may ‘dialysis
center’ malapit sa ‘Crossing’ ng Apalit,
na siyang nakapatay sa mahal kong misis
Di ko maiwasang BP ko’y tumaas
at sa isipan ay sumagi madalas
ang piping dalangin na sana’y magwakas
din ang buhay n’yan sa paraang di patas
Sa kamay ng kapuwa niya nabubuhay
at kumikita sa bagay na illegal,
kung saan diumano sa Macabebe lang
ay mahigit sa sampu yata ang kaso n’yan
Na natuklasan kong ‘large scale estafa’
at iba pang kasong kinakaharap niya
na ‘still pending on trial,’ maliban pa
sa isang nakatakda na naming isampa.
(At sana’y huwag namang sa ‘extra-judicial
killings’ na laganap sa kasalukuyan
‘yan itumba upang di sa’kin ibintang
ang pagkamatay ng isang katulad n’yan).
Pagkat tama’t siya ay nagka-atraso
ng may kabigatan sa akin ang loko,
iyan sa ‘due process’ lang sa ating husgado
aking ninanais mahatulan ito.
Sa dahilang di ko rin naman magawa
ang umutang ako ng buhay ng kapuwa,
pagkat takot akong magkasalang lubha
sa batas at sa’ting Diyos na Dakila
Ganun man kung sadyang kailangan talaga
ang siya’y mawala upang hindi na siya
pamarisan nitong ibang kabaro niya,
isusugal ko ang buhay ko sa kanya.
Sa wastong paraan, bagama’t di sapat
upang sa daghan ng dibdib makabawas
at ikatuwa ng aking mga anak
ang pagkabura n’yan sa di takdang oras.
(Bista’t kulang pa’ing bie na ba’kung tumula
at lubus mag-viva nung ya ing mawala,
uling kabang bie ku king isip e matda
ing ngeni busal ning salu matinding mua)
Dala na rin nitong kung di nagmadali
ang baklang doktor na uhaw sa salapi,
sana’y di humantong ‘yan sa pagkasawi
ng mahal ko’t aking pinakatatangi.
Kaya nga’t sa tuwing aking maalala
ang kinasapitan ng aking asawa
sa kamay nito ay hindi ko mabata
ang di batuhin ‘yan ng lahat ng mura.
At sisihin pati ang aking sarili
kung bakit ika ko, sa dinami-dami
ng ospital ay sa Makabali kasi
dinala… kung saan siya ang ‘on duty’
(As its Nephrologists), kaya’t nagkataon
ay sa katulad niyang sa salapi gutom
aming parang kusang ipinain doon
ang buhay ni misis sa isang asong ulol!
Kungsabagay amin mang tadtaring pino
ang katawan niya’t ipakain ito
sa buwaya o sa naglipanang aso,
ano pa nga ba ang puedeng mapala ko?
Kundi ng posibleng aking maipakulong
at mapagbayad ng ‘damages’ ang mokong,
masaya na kami, (sakali’t ang hatol
ng ating Hukuman ay sa akin pabor!)