Grade 10 pupil nalunod

    396
    0
    SHARE
    BUSTOS, Bulacan — Patay ang isang Grade 10 graduating student matapos malunod sa Bustos Dam nitong Linggo ng hapon.

    Ang biktima ay kinilalang si Arljhon Morante alyas Bullet, 17, residente ng Barangay Sipat, Plaridel.

    Ayon kay Arlene, ina ng biktima, niyaya ng kaibigan ang kanyang anak na maligo dahil sa anibersaryo ng motorshop ng kaibigan.

    Nagpaalam ang biktima sa akala ng pamilya nito na sa isang resort maliligo ngunit hindi nila alam na sa Bustos Dam pala ito pumunta.

    Makaraan ang ilang oras nang makatanggap ng tawag ang pamilya Morante na nalunod si Bullet dahil pinulikat.

    Sinubukan pa sanang sagipin ang biktima ngunit hindi na nasagip pa ng mga kasamahan.

    Umabot ng halos ng tatlong oras ang retrieval operation ng Bustos MDRRMO at Rescue 505 sa biktima bago ito nakuha.

    Ga-graduate sana si Bullet ngayong Abril.

    Blangko pa ang pamilya sa ngayon kung may anggulo ng foul play ang insidente at ang prayoridad nila ay maiayos muna ang burol ng bata.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here